How to become a winner trader?
Ito ang katanungan ng mga taong nagsisimula pa lang sa karera sa trading.
Paano nga ba?
Mas madaling sagutin ang how to become a loser trader.
Kasi 90% of traders are loser traders.
That’s the reality.
Sa journey nang isang seryosong trader marami syang mga stages na dapat pag daanan at aralin.
First stage
Ang pag aaral kung paano mag trade.
Second stage
Ang pag aaral ng mga trading strategy at risk management.
Third stage
Ang pag aaral naman kung paano maging profitable trader.
There is no shortcut sa process na ito.
Hindi ka pwedeng maging profitable trader, kung hindi ka pa marunong mag trade at kung wala kang alam ni isang trading strategy.
Gaano katagal ang learning curve bago ka maging isang profitable trader?
I will be honest. It takes years!
1 year? 2 years? Maybe.
It depends kung gaano ka determinado.
May trader na loser trader for 9 years, at naging profitable trader lang sya noong ika sampung taon nya sa pag tetrade.
Pero kung ako ang tatanongin nyo just my opinion. Kung 3-5 years ka pa lang nag tetrade. I consider you a newbie trader.
Trader optimism
Magbalik tanaw tayo sa nararanasan ng isang baguhang trader. Wala silang takot sa market, ang iniisip nila ay kumita ng pera, PROFITS!
Buy low, sell high. Super easy!
First trade panalo agad, screenshot ng profit, then boom! post sa Facebook.
I am the best!
Bakit ako gagamit ng stop loss?
No one can stop me from winning. Napakadali lang pala nito.
Hmmm, Hindi alam ni totoy na naka tsamba lang sya sa unang trade nya at panalo agad.
Maaring manalo pa sya ng mga ilang beses that’s normal.
Pero ang problema sa ganitong pangyayari ay ang confidence ni newbie trader ay tataas ng sobra, at ito ang magdadala sa kanya sa hukay.
Trading losses could change the expectation
Ang isa sa pinaka magandang mangyayari sa isang newbie trader ay maka experience nang maliliit na talo sa simula pa lang.
Magsisilbi itong sampal sa mukha nya, at matututo syang respetuhin ang panganib na kaakibat ng market.
Trading is not easy
Kung madali lang ang trading, sana lahat ng pumasok dito ay mayaman na. Pero kabaliktaran.
Kasi karamihan ng mga newbie traders, na pumapasok dito ay may maling expectation sa market—or hindi lubos itong nauunawaan.
Kaya bago pa nila ito maintindihan, they already quit.
Pero kung mauunawaan nila agad ang consepto ng market at ang trading ay hindi katulad ng ibang profession.
They have a chance, and they can go to the next process which is learning trading strategies.
Trading strategies
Let me clarify things about trading strategies.
Ang pinaka the best na trading strategies in the world, ay hindi magiging epektibo sa isang kamoteng trader or ill-prepared trader.
Maikukumpara natin ito sa isang driver na hindi pa masyadong marunong magpatakbo ng sasakyan tapos pag mamanehohin mo ng Ferrari?
Ano sa tinging mo ang mangyayari sa sasakyan? Magiging pektibo ba itong pangkarera?
Syempre hindi.
Same thing with trading strategies.
Kaya kung feeling mo hindi effective ang strategy na ginagamit mo.
Ask yourself.
Are you a good trader enough for this strategy?
Napakadaming strategy na nagkalat sa internet. Ang iba working sa iba, pero hindi working sayo.
Kasi ang bawat trading strategies ay may binabagayan. Bagay ba ito sa personality mo? Sa market condition? Sa time frame? etc.
Kaya you should always ask your self kung feel mo ba ang strategy na ginagamit mo, at hindi makikinig sa sabi sabi ng iba—kasi magkakaiba kayo ng pag katao at risk tolerance.
A good strategy will work only for a good trader.
Kapag natutunan mo na ang lahat ng bagay na ito, which is hindi ganoon kadali at bibilang ng taon.
Tsaka ka pa lamang mapupunta sa pag aaral kung paano maging profitable traders.
Bihira ang mga traders na nakakarating dito. Karamihan nag gigive up na sa first stage pa lamang.
Paano nga ba?
Ang bawat traders may ibat’ ibang pananaw dito. Pero para sa akin, yung trader na consistent ang pagtaas ng kanyang equity.
Hindi ibig sabihin puro panalo ang mga trades, kasi napaka impossible noon.
A good trader always experienced a string of losses, pero mayroong proper risk management.
Na kahit mas maraming talo sa trades kapag itinotal ang kabuuan between wins and losses, may profit pa rin.
At ang Equity ay patuloy na tumataas overtime.
Always remember, trading is a never-ending journey.
A winning trader is someone who thinks that every trade is a transaction in a business. Na
Some trades will lose but MORE trades will win.
good job keep up sir. malaking tulong para sa mga tulad kong small at new trader
Respect!