Hot wallet vs Cold wallet in cryptocurrency (tagalog)

Altcoinpinoy




Sa dumadaming users ng cryptocurrencies, ang tanong ng marami, ano nga ba ang magandang  wallet para sa ating mga crypto?

Ang wallet natin ang nagsisilbing bangko sa ating mga coins, and we have to take ownership and responsibility for this. Wala tayong ibang sisihin pag nawala ang mga coins natin kundi ang ating mga sarili. Kaya naman much better kung ilalagay natin ito  sa safe and secure wallet.
Pero ano nga ba ang nilalagay natin sa ating mga wallet?

Well, hindi ito katulad ng traditional digital currency natin na pag sinabing wallet ay pwede kang mag lagay ng pera or parang ATM na may physical equivalent.
Ang nakapaloob sa ating mga crypto wallet ay ang tinatawag na “Private Keys.” Ito ang patunay na ikaw ang nag mamay-ari ng isang coins. Sa katunayan pag nag send tayo or nagtransfer tayo ng coins papunta sa ibang wallet, hindi naman talaga tayo nag tatransfer literally ng coins, ang tinatransfer natin ay yung ownership ng coins.

Kaya once na mawala  ang ating mga private keys, it means nawala na rin sa atin ang ownership ng asset at mapupunta ito sa kung sino man ang makakuha nito. Kaya nga sabi ng iba if you don’t hold the private keys, you don’t own your money.

Smartphone wallet

Hot Wallet

Matatawag na hot wallet ang isang crypto-wallet pag connected sya sa internet. Kapag na aaccess mo directly ang isang wallet through an online connection it is considered as a hot wallet.

Mga uri ng hot wallets

*Smartphone wallets: Coins.ph, Coinbase, Abra
*Desktop application wallets: Exodus and Copay
*Exchanges wallets: Binance, Kucoin

Karamihan ng mga cryptocurrencies ay mabibili natin sa mga exchanges, at importanteng malaman natin na ang private keys sa mga exchanges ay nasa kamay ng isang third party, at sila ang may control dito. At kakaunti lamang ang mga private keys sa mga exchanges to cover all customers, sa ganitong paraan, mas napapabilis nila ang mga transactions.

 At alam naman natin na ang mga crypto exchanges ay vulnerable sa hacking attack. Hindi advisable na iwanan natin ang mga coins sa kahit anong exchanges, marami ng mga incident ng hacking attack na nangyari at milyon milyon ang nawala. Good example is Mt. gox. Kung matagal na kayo sa crypto world, sigurado akong pamilyar kayo sa exchanges na yan.

Masasabi natin na mas safe ang desktop at mobile application wallet compare sa mga exchanges, sapagkat ang mga private keys ay nasa kamay ng mga operator.
Pero regardless, this type of wallets are still vulnerable to hacking, viruses and phishing scams.
Lalo na kung ang username at password mo ay naka saved lang sa device. It’s still consider unsafe.

Example of cold wallet

Cold wallet

Ito ang paborito ng karamihan, lalo na yung mga long term holders. Matatawag na cold wallet ang isang storage kung hindi pa ito naicoconnect sa internet, or walang access via internet. Ito yung mga hardware wallet, which does not have the capabilities to connect to the internet on their own.

Mga-uri ng Cold Wallets

*Paper wallets: Itong bagay na ito hindi mo talaga kayang iconnect sa internet. Iprint mo lang yung private keys mo your good to go. Or pwede mo itago sa deposit box.

*Cold-storage: Secure wallet, Trezor, Ledger Nano

Sa ganitong klaseng wallet mas safe ang iyong private keys, at secured sa kahit anong hacking attacks at scams, kasi hindi ito naka connect sa internet. Ang tanging magiging problema mo lang ay pag naiwala mo or nanakaw sayo ang wallet mo. Pero in terms of ultimate secutiry, masasabi ko na ito ang pinaka the best way of storing cryptocurrencies by using a hardware or paper wallet.

So what should I use?

It depends on your personal preferences.
Maraming factor na kailangan iconsider kung bakit hot or cold wallet ang gagamitin mo.

*Kung madalas ka mag trade sa mga exchanges
*Kung isa kang long term holders
*Kung paano mo ibalanced ang iyong portfolio
*Kung gaano kalaki ang kaya mong irisk

Ilan lamang yan sa mga example, pero nakadepende parin sayo ang desisyon.
May iba-iba tayong risk tolerance kung tawagin.
Ang hot wallet ay maikukumpara mo sa bag or normal na wallet mo, na pwede mo dalhin kahit saan ka magpunta, at ang cold wallet naman ay parang vault na pwede mo itago ang iyong pera sa mahabang panahon.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart