At dahil nga sa Blockchain lumawak ang idea natin about decentralization. Alam naman natin na ang Bitcoin ang isang magandang halimbawa ng successful system of decentralized environment.
Pero gaano nga ba kaimportante ang blockchain? At ano nga ba ang mga advantage at disadvantage nito sa current centralized system?
Sa makatuwid marami parin ang naguguluhan about decentralized system, madalas napag kakamalan itong distributed system. Ang distributed system ay isang components na matatagpuan sa mga network computers na nakikipag communicate and coordinate sa pamamagitan ng pag papasa pasa ng mga mensahe. And decentralized system naman ay katulad din ng distributed system. Pero ang pagkakaiba lamang ay wala itong central point of control.
More in-depth explanation about decentralization by the founder of Ethereum: Decentralized system
1. Architectural decentralization:
Gaano kadami ang bawat isang hardware nakaconnect sa network?
Ilan ang mga computers na nasa network?
Ilan dito ang maaaring masira na hindi maaapektuhan ang buong system?
Dito masasabi kung gaano ka distributed ang isang decentralized network.
2.Political decentralization:
Ilan ang mga taong pwedeng mag desisyon sa pag galaw ng network?
Ilan ang mga individual or grupo ang meron control sa mga computers na parte ng system?
Dito natin malalaman kung gaano ka trusted ang isang network.
3. Logical decentralization:
Ano ang mga napagkasunduan sa isang network?
Ang data structure ba ng isang network ay kayang mag work independently, kung mag karoon ng split sa isang network?
Ito naman ay tumutukoy sa kasunduan ng isang network.
Mapapansin natin na ang blockchain technology ay binubuo ng architectural and political decentralization. Katulad ng multiple computers sa ibat ibang location (architectural decentralization) at walang individual or grupo na kumokontrol sa software na tumatakbo sa network ( political decentralization).
Logically, Centralized. Bakit?
Kasi ang entire system works like one.
Three advantage of decentralization blockchain:
1. Fault Tolerance:
Dahil nga ang system ay binubuo ng ibat ibang components na mag kakahiwalay, hindi ito masisira accidentally.
2.Attack Resistance:
Ang ganitong sistema ay hindi madaling ma hack, sapagkat walang central point of failure. Ang komokontrol dito ay hiwa-hiwalay. Kinakailangan mo ng quantum computers para ma pabagsak mo ang blockchain system.
3.Collusion Resistance:
Hindi ito katulad ng ating kinagisnan na centralized system. Na may mga tao or malalaking tao na kayang mag manipula sa system para sa sariling kapakanan. Ito ay hindi magagawa sa decentralized system, kaya kung more decentralized ang network, the more fault tolerant, attack ressitant, and collusion resistant ito.
Sa blockchain or other politically decentralized networks, ang community ang nag dedesisyon para ma ensure ang patas na pamamalakad. Ang ganitong sistema ay kabaliktaran ng centralized system, na mayroon mga tao na komocontrol at pwedeng manipulahin ang buong sistema.
3 Major drawbacks of decentralization
1. Lack of focus
At dahil nga sa individual environment, ang mga miyembro ay pwedeng mag desisyon ng kanya kanya— at maging malabo sa kanila ang pinaka objectives ng isang system. Unlike in centralized systems, mayroong central bodies na gumagawa ng strategic decisions at ang lahat ay kailangan sumunod. Sa decentralized system, governance is often complex at ang decision making ay medyo mabagal.
2. duplication of work:
Security ang isa sa pinaka nature ng decentralized system, due to the concept of redundancy. Bawat node or participant in the system ay patuloy na inuulit ang gawain ng bawat isa. At ito ay hindi magdudulot ng maganda in terms of monetary cost and energy.
3.Speed of action
Ang kapalit ng securiy at innovation ng isang decentralized system ay ang pagigign mabagal nito. At ito ay makikita din natin sa ibang area ng ating pamumuhay. Halimbawa, kung ikaw ay lalabas mag- isa at kakain sa restaurant, madali lang para sa iyo ang magdesisyon kung ano ang kakainin mo. Pero, pag ikaw ay lumabas kasama ang mga kaibigan mo at ganun din—kakain din kayo sa restaurant, ang level ng pagdedesisyon nyo kung ano ang kakainin nyo ay matagal. Pinapabagal nito ang desicion making process.
Sa kabilang banda ng centralized system, a centralized authority optimize the whole system.
Kaya nitong iimprove ang coordination within the system. Ang palitan ng communication ay mabilis kasi nga may direct control sa central node.
Sa centralized system, di hamak na mas efficient ang coordination at communication, dahil ang parehong impormasyon ay hindi naka stored or ginagamit paulit ulit katulad ng decentralized system. Lamang dito ang centralized system pagdating sa efficiency and cost generation, maintenance of a giant network system.
Mapapansin natin na ang decentralized system ay hindi solution sa lahat ng problema sa mundo.
Pero marami din itong mga bagay na magagawa sa ating society. Pero kung iisipin mo ang posibilidad sa darating na panahon, kung saan sa isang system makikita natin ang speed, efficiency and focus ng isang centralized system, na may securiy, incorruptibility, and innovation ng isang decentralized sytem.