Sa mundo ng cryptocurrencies kung saan ang market ay driven by emotions. Paano ba natin sinusuri ang mga coins bago tayo mag invest?
Pero karamihan sa mga ito ay walang value, at ang iba pa nga ay mga scam coin. Katulad ng Bitconnect at Titanium bar.
So paano tayo makakaiwas sa mga ganitong pagkakamali? At wag magpadala sa ating emosyon.
Dito natin aalamin ang Fundamental analysis.
Ano ba ang fundamental analysis?
Ito ang paraan ng pag susuri hindi lamang sa seguridad at sa likas na kahalagahan or intrinsic value ng isang bagay, which include economic, financial at iba pang mga nakaka apekto dito.
Pero ayun kay Benjamin Graham, also known as the father of value investing. Ang intrinsic value of a security ay matatagpuan sa financial statement ng isang companya tulad ng assets, earnings, and dividend payouts.
At kung alam mo ang mga bagay na ito, maaari mong ma predict ang future price movement nang isang market.
Fundamental Analysis in the world of Crypto
Sa traditional financial assets, katulad ng stocks, index funds, ETF. Ang pag gamit ng fundamental analysis ay base sa evalutation of the financial health ng isang companya. Kailangan mong suriin ang financial statements.
Pero iba sa mundo ng cryptocurrencies, karamihan ng mga cryptocurrency projects walang earnings, revenues, profits at iba pang mga traditional metrics.
Kaya iba ang pamamaraan ng fundamental analysis dito sa crypto world. It requires in-depth researh. Pero saan ba tayo makakakuha ng mga reliable information?
Source of information
Website
Siguro naman lahat ng cryptocurrency ay may kanya kanyang website, dito naka indicate yung white paper at iba pang mga offers.
White paper
Alam nating information overload tayo pag binasa natin ito, but this is a MUST read! Kung seryoso kang investor hindi ka magdadalawang isip na basahin ang white paper. Dito naka paloob ang objectives ng isang project, use cases, gaano katagal ang project and any other essential aspects.
Community channel
Lahat ng Cryptocurrency project meron community or social media tulad ng telegram.
Press
Dito na yung mga reviews, kasi hindi naman sasabihin ng developers ng isang project na wala silang kwenta. Marami ng mga magagaling na journalist ngayon tungkol sa blockchain and cryptocurrencies, pero ingat pa din sa source of information, wag ka mag base sa isang source lang, kailangan marami kang source of information. Meron kasing ibang paid reviews kung tawagin.
Steps of fundamental analysis
Bago ang lahat, gusto ko lang ipaalam na ang bawat information na mababasa nyo dito ay base sa
mga na research ko sa ibat ibang experienced traders and investors dito sa crypto world. At sa iba’t ibang forum at articles— na sa aking palagay ay kapakipakinabang sa mga gustong mag invest sa crytocurrencies. May iba’t iba tayong opinyon sa pag iinvest kaya naman do your own research, use this as a guide.
1. Market Capitalization
Ito yung tumutukoy sa total value ng isang coin sa market, karamihan ng mga investor ito ang unang tinitingnan. Para malaman kung gaano pa kalaki ang posibility of growth nang isang coin.
Makukuha natin ang market capitalization ng isang cryptocurrency sa pamamagitan ng pag multiply ng current price ng isang coin sa circulating supply nito. Sa madaling salita, sabihin natin na mayroon
1 million circulating supply ang isang coin at nag kakahalaga ito ng 2 dollars bawat isa. Kinakailangan natin imultiply ang circulating supply sa current price ng isang coin, at makukuha natin ang 2 million market capitalization.
Kung pupunta tayo sa CoinMarketCap, makikita natin ang ibat ibang uri ng coins at kani-kanilang market capitalization. Sinasabi ng ibang mga cryptocurrency investors na “the lower the market capitalization of a cryptocurrency, the higher the potential growth.”
2. Coin Supply
Kung kaunti ang supply ng isang coin mas mataas ang chance na mag increase ang presyo nito lalo na pag tumaas ang demand. It is a simple law for supply and demand: low supply and high demand increase price. Ang Bitcoin ang isa sa mga coin na mababa ang supply limited only for 21 million. Sa ngayon halos 85 Percent na ang naipamahagi. At darating ang panahon mauubus ang supply ng Bitcoin na magdudulot sa pag taas ng demand at ng presyo nito sa market.
3. Trade Volume
Ito ang isa sa pinaka importanteng indicator na ginagamit ng mga traders at investors.
Ibig sabihin pag mataas ang volume ng isang coin, mataas and demand, marami ang bumibili at nagbebenta sa mga cryptocurrency exchanges during a certain period of time. Maaari natin itong makita sa CoinMarketCap.
4. Use Case
Isa sa mga bagay na kailangan nating tingnan as an investor ay ang use case ng isang project. Maraming mga coins sa market na walang value at use case, kaya kailangan nating itanong sa sarili natin kung ang isang project ba ay may future value sa market place.
5. Founders and Developers
Bago tayo mag invest sa isang project, kailangan muna natin alamin kung sino-sino ba ang mga taong bumubuo dito. Kung sila ba ay mayroon ng experiencing sa ganitong larangan, background,at mga successful project kung mayroon man. Most of the time, makikita natin sila sa kani kanilang mga website.
Pero kung ang isang project aywalang maipakita na mukha or kahit anong information ng kanilang founders and developers, Avoid them! Maraming scammers sa internet, at hindi natin pwede idahilan na kaya itinatago nila ang kanilang identity is for security reasons. We don’t accept cheap reasoning.
karaniwan mayroon naman silang mga interviews about the project and conferences, kung saan makakakuha din tayo ng mga idea, kailangan lang natin mag research.
6. Roadmap
Malalaman natin kung talagang pinag-isipan ng matagal ang isang project sa pagtingin sa road map nito. Mas detalyado much better. Maraming mga cryptocurrencies na project na walang malinaw na roadmap, at ang mga project na ganito ay walang patutunguhan. Kailangan makitaan natin sila ng working product, at hindi puro marketing lang.
Conclusion:
Sa ngayon, napakarami ng crytocurrencies na lumabas, at hindi lahat ng ito ay worth it to invest. Kailangan nating maging mapanuri at maingat kung saan natin ilalagay ang pinaghirapan nating salapi. Madali lang naman, kailangan lang natin maging sophisticated pag dating sa pag iinvest. Hindi dahil mayroon kang kaibigan na nag-invest sa isang coin ay mag-iinvest ka na rin. Always apply fundamental analysis and do your own research before investing. Ito ang magsisilbing gabay mo to make the right investment decision higher. Ang mga resources at information na kailangan natin ay madali lang hanapin, kailangan lang natin mag laan ng kaunting oras para dito.