Floor Traders Method Trading Strategy (Tagalog)

Ang strategy na ito ay ginagamit sa lahat ng market, stocks, forex, commodities, etc, na maari din gamitin sa cryptocurrency market.

Hindi ito kasing sikat ng ibang mga trading strategy na napaka common tulad ng elliot wave.

Remember kapag ang isang strategy ay ginagamit ng karamihan nagiging less effective na ito.

Kaya naman dito sa Altcoinpinoy marami tayong inilalabas na trading strategy para may iba’t-iba tayong option.

Professional traders don’t stick with one trading strategy forever, they keep on learning new strategy.

Ang mga taong mahilig  mag basa ng libro about trading, malamang pamilyar na sa salitang floor traders.

Sila yung mga sinaunang trader sa pit, noong mga panahong hindi pa uso ang digital trading.

Medyo duda lang ako kung ito ba talaga ang ginagamit nilang strategy noong mga panahong iyon.

Anyway, ang strategy na ito was originally designed for swing trading. Pero magagamit din naman siguro sa day trading, just a little bit of tweaks.

Ang pinaka purpose ng strategy na ito ay to follow the trend. Parang may pagka trend following.

Wala pa akong article na naisulat about sa trend following, maybe next time. I will save the best for last.

What is this strategy all about?

1. Ang floor traders strategy ay isang retracement continuation trading method

2. Ginagamitan ito ng moving average para ma identify ang takbo ng trend.

3. Ang trading set up na hinihintay dito ay yung reversal pattern na mabubuo after the retracement.

Kapag sinabing retracement, ito yung minor pullback na nagaganap sa downtrend or uptrend market.

Recommended timeframes

  •  1hr and above

Indicators

  • 9EMA and 18EMA

In this strategy hindi natin kailangan mag focus sa indicator, more on price action pa rin ito, at ginagamit lang natin ang indicator as a reference of a trend.

Ang kinakailangan natin pag tuunan ng pansin ay ang retracement, kaya importanteng malawak ang kaalaman natin about sa mga reversal candlestick.

Short entry rules

Bago tayo pumasok sa trade, kailangan muna natin malaman ang trend nang market sa tulong ng moving average.

Hihintayin natin mag cross ang 9EMA sa 18EMA paibaba.

Kapag nangyari ito, this could be a sign of a downtrend.

Pero hindi agad tayo papasok sa trade, hihintayin natin ang retracement.

Ginagawa natin ito para masukat ang lakas ng seller side.

Ang entry point natin dito for short position is the breakout of the low candlestick prior to the current one.

Ang stop loss natin dito ay sa itaas ng peak ng low candlestick. Pwede naman natin iadjust yan depende sa risk appetite natin.

Altcoinpinoy

Long entry rules

Kabaliktaran lang naman hihintayin muna natin na mag cross ang 9EMA sa 18EMA paitaas, para masabi na nasa uptrend ang takbo nang market.

Hihintayin ulit natin magkaroon ng retracement or minor pullback, normally tatama ito sa moving average natin.

Pero mag eenter lamang tayo ng long position, kapag nagkaroon ng breakout sa high candlestick prior to the current one.

Ang stop loss naman natin nasa ilalim or below the “trough” of the retracement.

Altcoinpinoy

Trade management

Basic lang ang stop-loss na inexample ko dito, pero pwede tayong gumamit ng iba pang strategy na alam nyo about stop loss, like sukatin ang volatility ng market gamit ang ATR (average true range) pwede din naman.

Dahil ang main objective ng strategy na ito is to follow the trend, so we have to use a trailing stop.

Kung hindi pa kayo pamilyar sa trailing stop, I would suggest na to check my other article for that.

Taking profits

Madali lang we can let our profits run or pwede din naman iproject natin yung possible profit targets gamit ang Fibonacci tool like 161.2 at 261.8 fib levels.

We can consider scaling out our profits as well.

A simple example:

Altcoinpinoy

Bakit mo gagamitin ang floor trader’s method?

Kung gusto mo ng larger gains, kasi sa strategy na ito, the trend is your friend.

Simple lang ang strategy, madaling maintindihan at iimplement.

Mas reliable sa higher time frame at kung isa kang swing trader.

Naka depende sa price action ang trade entry.

Bakit hindi mo gagamitin ang floor trader’s method?

Kung isa kang scalper, expect na kapag ginamit mo ito, magbibigay ito sayo ng sangkatutak na false signals.

Hindi angkop if the market is moving sideways

Masyadong extreme ang volatility ng market.

Takot ka ma stopped out.

Conclusion

Kagaya nga ng parati kung sinasabi, there is no perfect strategy at walang holy grail sa trading. Isa lamang ito sa mga effective trading strategy na ginagamit ng mga professional traders sa kahit anong market. Kaya naman kung may natutunan kang bago sa article na ito, I would appreciate if you could share this article with your friends and people who wants to learn how to trade.

Happy Trading!

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart