Search
Close this search box.

Elliot Wave Theory and Trading Strategy (Tagalog)

Elliot wave Altcoinpinoy

Ito na siguro ang pinaka popular na trading strategy na ginagamit ng karamihan nowadays.

Ang strategy na ito ay universal, it means this is applicable sa kahit anong market at kahit anong time frame.

This is a predictive type of analysis, kaya maraming nahuhumaling na traders dito.

Hindi mo sila masisisi because this is proven, depende na lang sa personality nang gumagamit.

Simple lang ang konsepto ng Elliot wave, pero ang struggle dito ay kung paano sya iaapply sa trade.

In fact, maraming mga traders ang nahihirapan dito. Yung theory madali lang intindihin pero pag dating sa application part, which is I think the hardest part.

Just to set your expectation, ang strategy na ito ay kailangan pag laanan ng mahabang panahon para magamay.

Hindi ko madalas ginagamit ang strategy na ito, because I have a different strategy created based on my personality.

This article is for those people who wanted to learn the basics of Elliot wave at gamitin ito sa kanilang trading journey.

Pero balikan muna natin ang nakaraan at alamin kung saan nag mula ang Elliot wave.

Ang Elliot wave ay naimbento noong 1920’s ginawa ito ni Ralph Nelson Elliott.

Ito ay base sa behavioral reaction ng traders at investors sa market. Si RN elliott ay naniniwala na ang galaw ng market ay paulit-ulit lang in a repititive cycle.

Sa kanyang pag aaral sa behavior ng market na gumagalaw na parang alon pataaas at pababa, ito ay paulit ulit lamang na nagpapakita through out the time.

Kaya naman he makes a conclusion na kung ganito ang galaw ng market, maari nating ma predict ang mga susunod na mga mangyayari.

Based on human emotions and mass psychology.

Nag base din ang theory na ito  sa DOW theory na nag sasabi din na ang galaw ng market ay binubuo din ng mga waves.

Ngayon alamin natin kung paano nag wowork ang Elliot wave.

May dalawang phases ang Elliot Wave

1. Motive (the trend)

2. Corrective

5 wave sequence

Elliot wave altcoinpinoy

Sa motive phase makakakita tayo ng 5 waves, at sa limang ito tatlo dito yung advancing or go with the trend(1,3,5), at dalawa naman yung counter waves(2,4 downward).

Ito yung pinaka basic na 5 Elliot Wave sequence.

3 wave corrective

Elliot wave altcoinpinoy

Pagkatapos ng 5 wave sequence dito na papasok yung corrective phase. In other words trend reversal.

Kung uptrend ang 5 wave sequence, expect a downtrend 3 wave correction.

Sa corrective wave pattern hindi tayo gumagamit ng number, ang ginagamit dito ay letters ABC waves. Dalawang corrective(A,C) at isang counter wave or upward(B).

Complete 8 Wave cycle

Elliot wave altcoinpinoy

Ngayon pag sasamahin natin yung 5 wave at 3 wave corrective, makakabuo tayo ng complete 8 wave cycle.

Ang nakikita natin na image sa itaas ay uptrend complete 8 wave cycles, however,

nangyayari din ito sa downtrend market in the opposite direction.

Para maidentify natin na this is a valid Elliot wave formation, may mga rules na nakapaloob dito.

Elliot wave rules

1. Wave 2 never retrace 100% on  Wave 1. Hindi dapat lalagpas ang pull back ng wave 2 sa starting point ng Wave 1.

2. Wave 3 is always the longest wave. Kadalasan laging mas mahaba ang Wave 3 sa lahat ng wave.

3. Wave 4 does not overlap with the price territory of wave 1. Hindi dapat aabot ang retracement ng Wave 4 sa Wave 1.

Wave Degrees

May iba’t ibang degrees ng wave ang nakapaloob sa wave theory.

The waves within a wave.

Subminuette: minutes

 Minuette: hours

Minute: days

Minor: weeks

Intermediate: weeks to months

Primary: several months to a few   years

 Cycle: one to several years

Supercycle: multiple decades (40–     70 years)

 Grand Supercycle: multiple  centuries

Dito papasok yung Fractals

What are fractals?

Ang fractals ay structures na pwedeng mahati hati from parts to parts hangang sa pinaka maliit nito na magkakahawig ang itsura katulad ng buong parte na pinagkuhaan nito.

Example of fractals

Elliot wave altcoinpinoy

Ganito din ang idea ng Elliot wave, it can be subdivided into smaller parts.
Sa madaling salita, ang Elliot wave fractals are the smaller Elliot wave patterns within the bigger Elliot waves.

Elliot wave altcoinpinoy

Elliot wave guidelines

1.Kung ang wave 3 ang longest wave, ang wave 5 could be almost or equal with wave 1.

2. wave 2 naman kapag naka experienced ito ng sharp correction, wave 4 will be flat.
At pwedeng mag kabaliktad ang mangyari, sa wave 2 ang flat at sa wave 4 ang sharp correction.

3. Once na ma hit ng wave 5 ang end point nito, ang corrections naman ng ABC could end sa level ng wave 4 low.
Elliot wave altcoinpinoy

How to put it on a trade?

Maraming ways kung paano ginagamit ang wave pattern na ito it depends on the trader experience.

A trader should always have a personalized strategy. Habang tumatagal kasi you can create many variations how to enter elliot wave.

Pero in this case, I will give you the simplest way to enter a trade.

One of the best way to enter a trade gamit ito ay sa wave 2 at wave 4.

Elliot wave altcoinpinoy

Pero bago ang lahat, may dalawang bagay na kailangan kang paka tandaan bago ka mag trade gamit ito.

1.Elliot waves rules

2.Fibonacci retracements and extensions.

If wala ka pang idea about Fibonacci retracements and extension, you may visit first, a separated article for this.

Trading Elliot waves

Ang una mong gagawin ay hanapin ang start ng trend or ang end ng trend.

Elliot wave altcoinpinoy

Kapag nasa uptrend tayo, price will intersect the higher high.

Sa down trend naman, price will make a lower high, then intersect with higher low.

Ganoon lang kasimple yun. Pero napakadaming variations para ma identify ang trend reversals.

Tulad ng trend break out, support and resistance bounce,  Fibonacci retracements and extensions etc.

Step 1. Kapag na identify mo na ang wave 1, dahil napansin mo na may naganap na trend reversals, kailangan mo muna mag observe.

Ngayon papasok ka na ba sa trade? mag eenter ka ba sa wave 1?

Kung mayroon kang ibang strategy katulad ng break out/pull back strategy you may enter wave 1, but we are using an Elliot wave here. So mag hihintay muna tayo.

Hindi tayo sasakay sa ride ng Wave 1.

Step 2. Ngayon kapag napansin mo na tapos na ang wave 1 at nabubuo na ang Wave 2, dito na tayo magiging alerto, kasi dito na ang entry point natin sa end ng wave 2.

Elliot wave altcoinpinoy

So paano natin malalaman kung saan ang end point ng wave 2?

Syempre gagamit ka ng Fibonacci retracement levels tulad ng 50% ratio at 61.8 levels.

Elliot wave altcoinpinoy

Dito ang buy/sell mo.

At mas mapapatibay ang assumption mo dito kapag may nakita kang  bullish reversal candlestick formation.

Bullish reversal

Bearish reversal

 
Step 3. Sabihin na natin na nag enter ka sa trade, at ngayon pinapanood mong tumataas ang profit mo kasi nakasabay ka sa rally ng wave 3.
Wala kang gagawin dito kundi mag antay na matapos ang rally ng wave 3 and take your profit.

Elliot wave altcoinpinoy
Step 4. Kapag natapos na ang rally ng wave 3, which usually the longest, expected mo na dapat ang retracement at umpisa na ng wave 4.
Ngayon hihintayin mo ulit mag end ang wave 4 tsaka ka papasok sa trade, para sumabay sa rally ng wave 5.
Elliot wave altcoinpinoy

Kakailanganin mo ulit ang kaibigan natin na si Fibonacci retracement levels 38.2, 50% or 61.8% etc.

At yung reversal candlestick para sa confirmation ng entry point mo.

Step 5. So let say na ka ride ka din sa rally ng wave 5, base sa Elliot wave theory, once na makalagpas ang wave 5 sa high ng wave 3, humihina na ang momentum nito.

Therefore, it could be a sign of a possible trend reversal.

Elliot wave altcoinpinoy

Let’s take a look on the example image natin sa itaas. Kapansin pansin ang paghina nang momentum
sa wave 5, and the trend reversed afterward.

The best thing to do is to exit the trade.
Hindi mo na kailangan mag trade sa nalalabing wave, kung may profit ka naman na sa dalawa mong trade. Pero it depends on you.
Sabi ko nga kanya kanyang diskarte yan ng trader.
Hindi sa lahat ng pagkakataon nangyayari ang 8 complete Elliot waves, minsan na teterminate agad ito sa Wave 3 palang or 4.
Kaya naman, lagi natin tatandaan ang elliot wave rules.

Conclusion

This is just the basic explanation and tutorial for Elliot wave. Masyadong komplikado ang theory na ito, at marami pang mga bagay na hindi na idiscuss sa article. Hindi ito recommended for beginners. Although, this strategy is effective, pero hindi ito ang holy grail ng trading. Kasi walang ganon, katulad din ito ng ibang strategy na hindi mag wowork 100% every trade. I tried to explain this sa napaka simpleng paraan, sana may natutunan kayo. If you find it helpful, don’t hesitate to share this article with your friends. Enjoy trading!

5 thoughts on “Elliot Wave Theory and Trading Strategy (Tagalog)”

  1. mas lalo ko pang naiintindihan ang mga discussion di siya masyadong teknikal sa tenga ko nauunawaan ko ngayon dati ang ginagawa ko lang buy and hold pero ngayon kumikita na po ako salamat po

  2. Pingback: Floor Traders Method Trading Strategy (Tagalog) – Altcoinpinoy

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart