This is a really quick article about the diagonal price channel.
Kung paano ito makikita sa chart, at kung paano natin ito magagamit as a trader.
Ano nga ba ang price channel?
Kapag sinabing price channels, it means ang price ay tumatakbo sa loob ng channel between lower channel and upper channel, ang upper and lower trendline ay nagsisilbing support and resistance. Ang price ay kadalasan nagtatagal sa loob ng channel hangang sa ito ay mabasag.
May dalawang uri ng channels at ito yung horizontal channels at diagonal channels.
Diagonal downward channel
This example image is a BTC daily chart, other traders may look it as a falling wedge, but can be considered also as a diagonal channel.
Pwede tayo mag buy low sell high, habang ang price action ay nasa loob nang channel. But be careful kapag nagkaroon nang break out, katulad ng nangyari dito sa example. Nagbago ang trend ng market pagkatapos mabasag ang trendline sa itaas.
Diagonal upward channel
Dito naman BTC chart pa rin, mas mababang time frame nga lang 4-hour chart. Take a look kung paano nag laro ang price action sa loob ng channel. An opportunity for buy low and sell high. Pero when a breakout occurs, nag bago ang trend ng market.
Paano mag trade sa diagonal price channel?
Kapag naiplot mo na ang diagonal pattern sa chart, mataas ang chance na ang price ay mag laro dito.
Ang higher channel ay normally nag sisilbing resistance level, at ang lower channel naman ay support.
A simple buy low sell high strategy will do.
Kapag ang price ay nasa lower channel, you can enter a long position, kapag naman ito ay tumama sa higher channel, you can enter a short position.
Ang stop loss mo naman ay laging nasa labas ng diagonal channels sa taas man or sa ibaba.
Ang target profit sa strategy na ito ay naka depende sa structure ng market. You can trail your stop or assigned your specific target profit, base sa iyong risk management.
This is just a quick tutorial kung paano gamitin ang diagonal price channel. Isang trading strategy na napaka simple but yet profitable if you know how to use it properly.