Ang Pin bar ay isang uri ng reversal candle stick, at ito ay isa sa pinaka popular na tinitingnan ng mga traders.
Makikita natin ang pin bar sa kahit anong time frame, but in this article mag fofocus tayo sa daily pin bar.
Nangyayari ito dahil sa rejection ng price kapag na reach nito ang isang major resistance and support level.
It means na mas malakas ang power ng kabilang side. Ang magiging itsura ng candlestick ay mayroong mas mahabang wick or tail kaysa sa body nito.
Kapag nakakita tayo ng daily pin bar sa chart, kadalasan nag dudulot ito ng pagbabago ng sentiment ng market, tulad ng image na nakikita natin sa itaas.
That is a good example of a daily pin bar na nangyari sa chart ng bitcoin. Kapansin pansin yung malaking bearish pin bar na di katagalan nag resulta sa downtrend.
Ang pinaka concern lang ng karamihan sa daily pin bar, ay masyadong mahaba ang candle stick.
Malayo ang pagitan ng high tsaka low nito. Kapag ganito ang set up masyadong malayo ang stop loss na kakailanganin natin.
Ang stop loss ay dapat laging nakapwesto sa ilalim or ibabaw ng candlestick.
Hindi tayo pwede mag risk ng more than 2% in one trade. Kailangan natin sundin ang risk management natin. Pero kung gusto talaga natin mag trade sa ganitong set up mayroong paraan.
Gagamit tayo ng Fibonacci retracement.
Para maipwesto natin ng mas maayos ang stop loss.
Gamit ang fibonacci retracement, hihintayin natin mag retrace ang price sa level .50 ng Fib.
Once na mag pull back ang price pag katapos nitong ma hit ang 50% fib. Ito na ang magiging signal natin to enter a trade.
Short position
Kapag nakakita tayo ng pin bar sa daily chart during uptrend, we can put a short position sa 50% level gamit ang Fibonacci retracement tool.
Ang stop loss natin ay nakalagay sa ibabaw ng wick ng mahabang candlestick
Take your profit 2 times or 3 times, or used a trailing stop to maximize the return
Long position
Kapag nakakita tayo ng pin bar sa downtrend ng daily chart, we can put a long position sa 50% level gamit ang Fibonacci retracement tool.
Ang stop loss nakalagay sa ilalim ng wick ng mahabang candlestick.
Take your profit 2 times or 3 times, or used a trailing stop to maximize return
Pwede tayong mag antay ng 2-5 days, kapag hindi parin na hihit ang position mo, at mejo malayo na ang price dito. You may consider to cancel your limit order, and look for better trade opportunities next time.