Chart Patterns | Descending triangle (Tagalog)

Ito ang unang beses na article about chart patterns, And I will try to incorporate the most commonly used chart patterns katulad ng mga head and shoulders, broadening wedge, bull flag etc. Hindi ko ito pag sasama samahin ng isang bagsakan para maiwasan ang information overload.

Itong idea na ito ay galing sa Encyclopedia of chart patterns ni Thomas N. Bulkowski na libro. Kung gusto nyo pag aralan ng detalyado ang hundreds of chart patterns sa technical analysis, isa sa marerecommend ko ang libro na ito.

Maraming mga chart patterns na nagkalat sa internet, yung iba image lang. Pero in this article,  I will try to explain it in a simple way.

Descending triangle

Karamihan sa mga traders kapag sinabing descending triangle, is bearish agad. Well, hind sa lahat ng pag kakataon. Ang descending triangle ay pwedeng bullish at bearish.

Kaya kapag nakakita ka ng descending triangle sa isang chart hindi ibig sabihin bearish na agad ang sentiment, kailangan mo din tingnan ang iba pang mga bagay, para maconfirm ang iyong assumption.

In fact, ayon sa aking pag sasaliksik kapag nangyari ang descending triangle sa bull market territory. 84% ang chance ng upward break out.
Kung sa bear market mabubuo ang descending triangle, 61%  ang chance ng downward break out.

Pero kung makakakita ka at maka experience ka ng tatlong descending triangle sa isang chart, normally, 2 dito ang possible downward break out at isa lang ang upward break out. Pwede din walang break out na mangyari.

Ang characteristic ng descending triangle ay may horizontal trendline sa ilalim at down sloping top.

Habang nabubuo ang triangle ang volume naman nito ay nag rerecedes or bumababa. Parang nagiging tahimik at  nag iipon ng lakas sa nalalapit na pag sabog pa angat man or pababa.

Descending triangle upward break out

Ang example na image sa itaas ay descending triangle with an upward breakout ng AAPL stock market. Makikita natin kung paano nag karoon ng break out paitaas, habang ang volume nito ay pababa ng kaunti, at nang mangyari ang break out unti unti din ang pag taas nito.
Ito naman ang daily chart ng Bitcoin noong 2017. Descending triangle na nagkaroon ng (whipsaw) false down ward break out. Nangyari ito during bull market, kahit na nag karoon ng false break out, at siguradong maraming mga traders ang nataranta dito—nag patuloy pa din ang pag angat ng price ng BTC.

Descending triangle Downward break out

Ang malaking descending triangle na ito ay nabuo noong 2018, daily chart pa rin ito ng Bitcoin.  Kung mas malaki at mas mahaba ang descending triangle, mas malakas ang pwedeng mangyari na break out.

Conclusion

Isa lamang ito sa mga chart pattern na madalas tinitingnan ng mga traders. Nangyayari ito sa lahat ng time frames. Ang pattern na ito ay guide lamang, it could go upward or downward or even sideways. You should use other indicators para mas lalong mapagtibay ang iyong assumption bago ka mag enter at mag exit sa trade. 

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart