Bakit kailangan mo mag invest sa EOS – Here’s why!

ano ang EOS

One of the most promising project sa crypto world ang EOS. Hindi ko sinasabing mag invest kayo dito, ang purpose ng article na ito ay magbigay ka alaman kung ano ang EOS. At kung bakit sa tingin ko maganda mag invest sa EOS for a long term. Mayroon akong kaunting EOS at plano ko pa ito dagdagan.

Kapag natapos nyo basahin ang article na ito, magkakaroon kayo ng idea kung bakit this project is one of the best so far.

Ano ang EOS?

Ang EOS ay isang blockchain based system na nag dedevelop ng commercial scale decentralilzed applications or dapps sa ilalim ng EOS.IO platform. Sinasabi sa whitepaper nito na this is the most powerful decentralized application (dapps) infrastructure.

Kapareho ito ng Ethereum na mas advanced, kaya naman ito ay tinatawag din na Ethereum killer.
Maraming mga features na pinag sama-sama sa EOS platform katulad ng smart contract technologies from Ethereum at Bitcoin’s security etc.

Ang plano ng EOS team ay gumawa ng single and easy to use massively scalable blockchain platform na mag papatibay sa economiya ng blockchain sa hinaharap.

Ang EOS ay may kakayanan na mag compute ng thousands of transactions per seconds parang ripple.

Ang vision ng EOS ay gumawa ng blockhain dapp platform na kayang mag process ng thousands of transactions per second na hindi makaka apekto sa security at scalability performance ng network.
Aim din nila na ito ay maging accessible sa mga developers, entrepreneurs at users.
Sa madaling salita gusto nila mag provide ng completong operating system para sa decentralized applications na kasama ang serbisyo ng user authentication, cloud storage, at server hosting.

The reason why this is a good project with a great future

Cryptocurrency

Scalability

Ito na siguro ang pinaka major problem ng blockchain platform ang scalability issue. Ang bitcoin ay kaya lamang mag process ng 3-4 transaction per second, Ethereum can process 20 transaciton per second. On the other hand Visa can process 1,667 transactions per second.

Sa ngayon, ang blockchain ay hindi pa kaya makipag sabayan sa Visa or even paypal.(193 transaction per second). Sa kadahilanang hindi sila pareho nang pag kakagawa. Sa blockchain network ang lahat ng nodes ay kinoconfirm ang lahat ng transaction para ma process sucessfully.

Pero ang EOS will use distributed proof-of -stake(DPOS) na kayang makapag processo ng millions of transactions kada segundo.

Free to use

Sa EOS platform, ang mga applicaitions by default ay hindi nirerequire ng micropayments ang bawat users ng mag sesend ng trasactions on the blockchain.
Ang mga app developers ay malayang gumawa kung paano mag babayad ng transaction fees ang mga users.

Decentralized operating system

Gusto ng EOS na sila ang unang makapag pakilala ng decentralized operating system na mag poprovide ng better developmental environment para sa mga decentralzied application tulad ng Bitshares, isang cryptocurrency exchange platform with a decentralized nature. At Steemit, ang social nework sites na nag rurun sa blockchain at nag bibigay ng incentives sa mga users nito.

Progamming language

Ang programing language na ginamit sa pag buo ng smart contract at sa entire platform ay Web Assembly(C, C++, Rust) at portable machine na build sa World Wide Web Consortiem(W3C).
Ito ang karaniwang programing language na ginagamit ng mga developers, so hindi na nila kailangan mag aral ng panibagong language para gumawa ng applications. Unlike, Ethereum na kailangan mo pag aralan sa simula para makapag participate ka as a developers.

Reliable team

Para maging successful ang isang blockchain project kinakailangan nito ng solido na team.
Hindi rin basta basta ang team na nasa likod ng EOS, karamihan sa kanila ay professional venture capitalists at blockchain developers. Lahat sila ay may kakayahan na gumawa at mag develop ng isang solid blockchain project.

Ang creator ng EOS ay ang Block.one, isang companyang nag ooffer ng blockchain solutions sa mga businesses. Ang CEO nito ay si Brendan Blumer, isang kilalang personalidad pag dating sa blockchain world since 2014.
Si Dan Larimar naman ang CTO ng Block.One. Siya ang naka imbento ng POS algorithm at co-founder ng Steemit.

Napaka successful ng carrer ng tao na ito sa crypto world, at marami din pumpuna sa mga nagawa nya tulad ng Bitshares. Maraming nagsasabi na ang platform na ito ay highly deceptive. Pero ang project na ito ay tuluyan nang iniwan ni Larimar.
Bukod sa kanilang dalawa,  kasama rin nila sila Brock Pierce at Ian Grigg na mga venture captitalist.

How to buy EOS?

Makakabili ng EOS sa mga cryptocurrency exchanges tulad ng Binance, Kucoin, Bitfinex, Huobi at iba pa. Madali lang makabili nito, lagyan mo lang ng funds ang coins.ph mo then send mo sa paborito mong cryptocurrency exchange. Pero mabibili mo na rin ito sa Abra at coinbase.

EOS Storage

-Infinito wallet
Coinbase
Abra

May iba pang options katulad ng EOSIO EOS software at R1 Elliptic Curve. Hindi masyadong user friendly kaya mas recommendable yung tatlo sa taas.

Ano ang kaibahan nito sa ibang Cryptocurrencies?

-Isa sa mga rason kung bakit much better ang EOS sa ibang cryptocurrencies ay wala itong charge sa kahit anong transaction fees.

-Ang EOS ay isang decentralized platform na may taglay na mas mataas na scalability.
 Nag ooffer ng faster transaction times, and quicker execution.

-Ang mining process ng EOS ay ginagamitan ng proof-of-stake, na mas mabilis at hindi kinakailangan mag consume ng extensive electricity. Unlike, Ethereum na gumagamit ng Proof-of-work na alam naman natin na malakas komunsumo ng kuryente.

-Karaniwan ng mga blockhain project ay may kanya kanyang specific language na kailangan gamitin para maka gawa ng applications. Sa EOS magagamit ng mga developers ang C++ language (typically programming language na ginagamit ng mga developers) para gumawa ng applications.

Pros:

-No transaction fees
-Scalable
-Consider as a 3rd generation blockchain
-Private keys can be recover.
-Decentralized operating system
-Team

Cons:

-Only have 21 block producers, lumalabas na hindi pa masyadong decentralized.

Is it a good investment?

Kung umabot ka dito at binasa mo lahat ng nabangit sa itaas, sa tingin mo is it a good investment?
Para sa akin “Yes.” Isa ito sa mga altcoin na sa aking palagay ay magiging profitable in the long run.
Although, napaka competitive ng market nito. Maraming similar project sa likod ng decentralized application tulad ng Ethereum, Neo, Cardano etc. Na nag ooffer din nang smart contracts.
Pero kung naniniwala ka sa kakayanan nang EOS at ng team nito na kagaya ko. This is a good investment for you. Pero remember investing in EOS is still high risk/high reward, kaya naman ang mga investors ay laging sinasabihan na alwasy diversify your portfolio.

Anyway, I am not a financial advisor or an expert, this is for educational purpose only. Always do your own research before making an investment decision.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart