Basic Attention Token(BAT), ito ay isang digital advertising token na ginawa sa Ethereum blockchain.
Ang purpose ng BAT Token ay gumawa nang market place kung saan ang advertisers, publishers at users ay mag kaisa sa isang decentralized environment.
Ang pinaka purpose nang project ay imonetize ang user attention at alisin ang mga hindi ka tangap tangap na mga ads sa network.
Ang advertising ay parte nang kahit anong business, walang bussiness na magiging successful kung hindi sila gagamit nang advertising campaign. Marketing is essential in any business.
Maraming paraan nang pag aadvertise, nandiyan ang mga street billboard, mga commercials sa television etc.
Ngayon, pumasok na tayo sa modernong pamamaraan ng advertising.
Kung saan nangunguna ang search engine giant na Google at mga social media platforms tulad ng Facebook, Youtube at Instagram etc.
Sa katunayan, dahil sa sobrang popular ni google sa mga advertiser. Ang ad revenue nito na nakolekta noong 2016 ay halos umabot ng $79 billion at ang facebook naman ay $27 billion.
Di hamak na mas malaki ang kinikita ng digital advertising kumpara sa traditional advertising.
Pero kadalasan ang problema sa digital marketing ay ang mga ads na nagkalat sa mga website, ay hindi angkop sa content at sa gustong makita ng mga users. Katulad ng mga annoying pop-ups na kailangan pa natin iclose paulit- ulit.
Sa digital advertising industry may tatlong major players na bumubuo sa system.
Ito yung User, Publisher at Advertiser.
Normally, ang user ay interesado sa content ng publisher, ang advertiser naman na may kaparehong niche sa publisher ay gustong itarget ang user sa pamamagitan ng content.
In this kind of situation, ang advertiser ay gustong makabenta ng product at dahil ginagamit nito ang content para makuha ang attention ng user, nakakakuha ng kaunting commision ang publisher galing sa advertiser.
Pero anong nakukuha ni user? Syempre wala.
Kaya naman naka isip ng solusyon ang BAT team na ienhance ang system ng digital advertising na magbibigay ng benpisyo hindi lang sa publishers, advertisers pati na rin sa mga users.
Ang mga benepisyo ng BAT token:
-Rewards sa users, publishers at advertisers.
-Ang mga users ay pwedeng makatangap ng bayad for viewing ads.
-Ang publishers ay makakakuha ng portion nang ad revenue.
-Mas kikita ang mga advertisers sa kanilang content,
-Speed at privacy.
Ang Brave browser ay ginawa ng BAT team as an in-house browser na naka integrate ang BAT system. Ang BAT tokens ang native currency na gagamitin ng buong system.
Ang pinaka focus ng Brave ay ang “privacy at speed”. Kayang iblock ni Brave ang mga unwanted ads at ito ay by default na sa system. Hindi katulad ng ibang adblockers, ang Brave ay kayang iblock lahat ng ads ng walang bias.
Pag nag browse ka sa isang website, makikita mo agad kung gaano kadaming ads at tracker ang nablock ni brave browser.
Minomonitor ni brave browser ang attention mo constantly, para malaman kung ano anong mga content ang pinag lalaanan mo nang oras. At dahil nga dyan, ang publisher ay mababayadan accordingly. Since ginagamit ng brave ang blockchain technology para ma track ang lahat ng data, kaya naman napaka impossible na ito ay matamper.
At dahil nga ang browser na ito ay gumagamit din nang machine learning on the attention sa ibat ibang ads. Ang mga ads lamang na ma viview ng mga users ay iyong mga ads na gusto nila.
Sinabi ni Brendan Eich na sa ngayon ang lahat ng users ay pwedeng makakuha ng $70/year from viewing ads at ito ay tataas ng $224/year by 2020.
Features nang Brave
Privacy focus
Ang mga data ng mga users ay nakatago at pribado. Lahat ng information na kailangan para sa ad-matching ay unavailable publicly.
Lahat ng third-party trackers ay blocked.
Upgraded advertisement matching
Ang brave ay patuloy na komokolekta ng mga impormasyon base sa behaviour ng users kung paano nito ginagamit ang internet sa pag bbrowse, keyword search entry information, URLs, etc.
Kaya din malaman ng brave browser kung anong oras at lugar mabuting ipakita ang mga ads.
Improved experience
hindi na kailangan ni users na mag palipat lipat ng page. Sapagkat dahil sa ad matching na kusa nang ipapakita kay user ang mga kailangan nito. At dahil dito it will lead quality browsing.
Marami ng gumagamit ng brave, sa katunayan humigit kumulang 20 millions na ang download nito sa Android.
The Team
Sa pangunguna ni Brendan Eich. Sya lang naman ang gumawa ng Java script programming language.
At hindi lamang iyon,—sya din ang nasa likod nang Mozilla Firefox ang isa sa pinaka popular na browser sa buong mundo.
Kasama ni Eich, Si Brian Brondy as a co-founder. Nagtrabaho din ito sa Mozilla firefox ng mahabang panahon.
At hindi rin mag papahuli si Yan zhue na in charge sa security and privacy. Si
Zhu ay parte nang Forber 30 under 30. Napabilang din sya sa Yahoo’s security engineering team noong 2014-2015.
Kapansin pansin na ang team na ito ay solido. Na nagbibigay lakas sa project na ito. Hindi na bago sa kanila ang kanilang ginagawa, kaya naman mataas ang kompyansa sa kanila ng mga investors.
The System
Ang Bat at Brave ay mag wowork lamang kung mayroon itong matatag na system.
ang tatlong bumubuo sa system ay ang advertisers, publishers at users.
Alam na natin kung bakit nag kakaroon ng incentive ang isang user, sa pamamagitan nang attention monetization.
Tuklasin naman natin ang Advertisers at Publishers.
Advertisers
Habang tumatagal at patuloy na dumadami ang users ng internet.
Dumadami din ang mga gumagamit ng adblocker sa desktop at mobile platforms.
We all know na ang source of revenue ng publishers at advertisers ay galing sa mga advertisement. Kaya naman minsan kinakailangan pang iforce ng mga website owners na iturn off ang adblocker nang isang user, para ma access ng buo ang isang content.
Pero paano ito aayusin nang BAT?
Sa paraan ng incentives na matatangap nang mga users pag nag view sila nang ads. At sa tulong ng decentralized machine learning platform, ang maipakita lamang ay yung gusto makitang ads ng isang user. At dahil dito, hindi mababalewala ang ads na mangagaling sa advertiser.
Publishers
Malaki ang pakinabang ng mga content creator sa BAT platform, bukod sa hindi mo na kailangan ng adsense para mamonetize mo ang channel mo, maaaring mas kumita ka pa nang mas malaki.
Halimbawa na lang si “Pewdiepie” isa sa pinaka sikat na Youtuber. Noong taong 2017 kumita lamang sya ng $12 million. Kung tutuusin napaka laking amount ng pera ang natatangap nang taong ito.
Pero kung oobserbahan mo nang maigi, si Pewdiepie, mayroon syang 88 million subscribers. Kung lahat sila ay mag sesend ng tips na nagkakahalaga ng 50 cents, papalo ito ng $44 million. Mas malaki nang di hamak sa $12 million na kinita nya noong 2017.
Ang punto ay, hindi nakukuha nang mga publishers ang dapat nakukuha nila sa kanilang mga pinag hirapang content.
Lalo na ang mga small channels, na kailangan pa mag hintay para mamonetize ang kanilang mga channels. Sa sytem ng BAT, once na verified publisher ka na, pwede ka nang makatangap nang micropayments sa iyong mga subscribers.
Kaya naman marami nang mga publishers ang sumasali dito.
Conclusion
Sinasabi na ang BAT ang isa sa pinaka revolutionary projects sa cryptocurrency world. Malaki ang potential nito na ma enhance ang ating digital advertising industry. Sa ngayon, marami na rin ang gumagamit nang brave browser at dadami pa ito sa mga susunod na taon.