Search
Close this search box.

Ang Prediction ng mga Eksperto sa Price ng Bitcoin ngayong 2020!

bitcoin prediction 2020

No one can predict the market!

So what the heck I am writing this article?

Well,

because we like predictions.

Aminin natin na tayong mga tao mahilig sa predictions at conspiracy. And naamaze tayo kapag may mga bagay na nagkakatotoo sa mga predictions.

And that is very entertaining. We love entertainment.

Bakit nga ba tayo nag invest sa bitcoin or mag iinvest sa bitcoin?

Ang iba sasabihin because of the technology, the future of money, yes, I agree. Pero karamihan sa atin nag iinvest because of “Money”.

We want the price of bitcoin to go up and go to the MOON!

At paano tayo nakakasigurado na mangyayari nga ito?

It’s because of the history of bitcoin. Sinong mag aakala na tataas ang value nito from zero to hero?

Ang mga unang nag mina or bumili or nag invest sa bitcoin noon, 10 years ago ay mga milyonaryo na ngayon.

Kahit yung mga nag invest sa bitcoin before bitcoin bull run noong 2017 ay kumita rin ng malaki dito.

Syempre wag natin kalimutan yung mga scammers na kumita rin ng malaki.

Kaya kung iisipin mo talaga 21 million  lang ang kabuuang supply ng bitcoin at patuloy na tumataas ang demand. Simple economics, kapag mataas ang demand at mababa ang supply price will shoot up.

Ito ang  mga dahilan kung bakit tayo nag iinvest sa bitcoin.

Idagdag pa natin ang mga ka aliw aliw na predictions, na nagbibigay sa atin lalo ng kompyansa na mag invest dito.

Ang mga prediction ng mga Eksperto

John McAfee

Uunahin ko na ang paborito ng karamihan si kaibang John McAfee.

Walang kaabog abog ang prediction ni John Mcafee, na maaaring umabot ng 1 milyon ang price ng bitcoin ngayong 2020.

At kung hindi man ito mangyari kakainin nya ang kanyang Dik! lol.

Alam naman natin na palabiro itong si pareng John, at pwede naman itong mangyari pero hindi ngayon or sa susunod na taon. Siguro after 10 years, who knows? Hindi natin alam.

Tim Draper

Si Tim naman isang venture capitalist, kilala din itong mahilig sa bitcoin. Sinasabi nya na maaring umabot ang bitcoin ng $250,000 sa 2023. At sasakupin ng bitcoin ang 5% currency market sa taong 2023.

Too good to be true? I think possible din.

Tom Lee

Ang taong walang kahilig hilig mag predict sa bitcoin. Kada taon ata nag pepredict itong tao na ito, pero kilala sya sa cryptocurrency world at finance world.

At isa sa mga tao na finofollow ko sa twitter. Hindi sya nagbigay nang any exactong numero sa kanyang prediction.

Pero inaasahan nya na ang bitcoin ay makapagbibigay ng 100 % return ngayong taon. Expected nya rin na dadami ang mga institutional investor na papasok sa market.

Anthony Pompliano

Si Pompliano ay isang kilalang personalidad sa social media na nagtatrabaho din sa Morgan creek digital, isang investment firm.

Matunog ang pangalan nito dahil na rin sa kanyang positibong pananaw sa bitcoin. Lalo syang nakilala dahil sa kanyang bearish prediction noong 1st quarter ng 2019 na aabot ang bitcoin sa 3,000 level bago makarecover ulit. At nangyari naman ito.

Ang pinaka huling prediction na binitawan ni Pompliano na aabot ang price ng bitcoin ng 100,000 sa taong 2021.

Napakasarap sa tenga pakingan ng mga prediction na ito. At kung mangyari man ang mga ito lahat tayo ay mabibiyayaan. Maliban na lang kung hindi ka nag invest sa bitcoin, kasi binabalot ka nang takot na baka ang bitcoin ay bumagsak sa zero.

Well, hindi kita masisisi kasi possible din naman yun. Pero kung hindi ka mag tetake nang risk, don’t expect a reward.

Marami pang mga ibang manghuhula sa internet, at napakadami nila nag uumapaw sa dami. Kaya naman sa una pa lang sinasabi ko na pumili kayo ng paniniwalaan nyo.

Mag desisyon kayo hindi dahil sa sinabi nang iba. Kundi dahil alam nyo ang ginagawa nyo at naniniwala kayo sa isang bagay.

Educate yourself first before making any investment.

This is not financial advice, hindi ko sinasabi na mag invest kayo sa bitcoin. Hindi ko din sinasabi na maniwala kayo sa mga prediction ng mga experto na nabangit sa article na ito.

Kasi walang nakaka alam kung anong mangyayari sa market, maaaring mali sila at maaring tama.

Ang pinaka the best pa rin gawin is to invest what you can afford to lose.

Hindi mo kailangan mag benta ng kidney para makapag invest ka sa bitcoin. Yung tipong extra  money mo lang or naitabi, na hindi maaapektauhan ang pamumuhay mo at ng pamilya mo kung sakaling bumagsak ang price ng bitcoin.

Nakakatuwa ang mga predictions, pero hindi dapat tayo nag dedesisyon base lang sa mga ito. You should always do your due diligence.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart