Search
Close this search box.

Ang Pinaka Epektibong Investment Strategy sa Cryptocurreny (long-term)

“Buy low, Sell High”

Napakasimple lang diba? Ito ang batayan ng mga traders, investors and financial advisers sa buong mundo.

Parang ang dali lang, madali nga ba talaga?

Swing trading

Kahit sino naman siguro ay aware sa “buy low, sell high” rules—at yan  lang naman ang kailangan mong gawin para kumita ka ng pera dito. Pero bakit lumalabas na 10 % lamang ng mga participants ang kayang mag generate ng money sa ganitong market.

Lagi nilang sinasabi na buy low sell high—pero pag dating ng time na kailangan na nila mag desisyon they end up buying high & selling low!

Bakit?

Ito ay dahil sa ating emotions.

Swing Trading

Mapapansin nyo kapag ang price ng isang asset ay tumataas, ang mga tao ay nagiging  excited at patuloy silang nag eexpect na tataas pa ito ng tataas.

Magandang halimbawa dito ay yung jackpot price sa lotto. Kamakailan lang halos umabot na ito nang isang bilyon sa sobrang taas, at pati ang mga hindi tumataya noon ay nakikipag siksikan na rin sa mahabang pila.

Pero kapag ang asset ay bumababa, ang mga tao ay natatakot. At nag uunahan silang ibenta ang kanilang mga holdings,
sa pag aakala na mawawalan na ito ng value. Kaya bumabagsak ang market valuation ng isang coins at stocks.

Ganito ang nature ng market, this is a representation of mass human emotion.
Fear & Greed.
Kapag dumating ang panahon na naunawaan mo ng mabuti ang takbo ng market, kaya mo ng ma-overcome ang emotional swings na hindi mo maiiwasan sa trading at investing.

Ito yung tinatawag na “Value cost Averaging”.

Marami narin akong nabasang books about investment strategy at hindi mawawala ang cost-dollar averaging as one of the best strategy.

Ano ba ang Value-Cost Averaging?

Ito yung paraan ng pag iinvest ng fixed amount of money na nakatakda na. Halimbawa, 5,000 Pesos kada buwan or bi-weekly mag-iinvest ka sa isang asset, regardless kung anong presyo ng asset sa araw na iyon.

Kaya ito naging madali, kasi it’s a set and forget strategy.

Ayon sa pag-aaral ito ang pinaka the best and most effective strategies for long term sa investment world.

Ang market ay laging nag flufluctuate, kaya naman napaka hirap timingan kung kelan ka bibili. ( o.ooo1% lang ng population ang kayang gumawa nyan).
Sa dollar-cost averaging aalisin mo ang emotion sa equation.

Swing trading

Buy high sell low.

Mahirap ang trading. Ito ang pinaka un-emotional/ robotic professions in the world, at hindi lahat ng tao ay
para dito.

Sa kabilang banda ang cost averaging ay isa sa mabisang paraan para tangalin ang emotion, volatility at stress na kaakibat sa pag iinvest.

Para maintindihan natin mabuti ang cost averaging
Mas maganda kung mayroon tayong example.

Kunyari nag-karoon ka ng pera, let say $10,000 ipina mana sayo ng lola mo. Malaki na yan sa Peso. Pero just for the sake of this example, gamitin natin ang $10,000.
Ngayon gusto mo mag invest sa Bitcoin at mayroon kang 2 options.

1st options: Mag iinvest ka ngayon sa halagang $10,000 or pipili ka ng price na sa tingin mo kikita ka.
2nd options: Mag-iinvest ka proportionately ($1,000 every month) sa loob ng 10 months.

Ang unang method ay yung tinatawag na lump-sum investing at ang pangalawa ay ang dollar-cost averaging.

Bitcoin

Scenario #1

Sabihin natin na nag invest ka ng July kasi nakita mo pataas na naman ang presyo ng bitcoin
Isang bagsak na $10,000. At sa loob ng 10 months, ngayon ang value na lang ng position mo ay $7,650.
-23.5% lower kumpara noong nag simula ka.

bitcoin

Scenario #2

Napag desisyonan mo na mag invest ng $10,000 pero imbes na isang bagsakan, naisip mo mag invest
ng $1,000 every month sa loob ng 10 months.
Katulad ng scenario #1, sabihin  natin na nag invest ka din noong July at kada buwan nag iinvest ka ng $1,000 regardless of the price of Bitcoin.

Hindi mo tinatimingan ang market, ginagawa mo ito parang nag babayad ka lang ng  bill ng meralco.
At kung titingnan mo ang value ng posistion mo sa market ngayon, walang nag bago.
Mayroon ka pa rin $10,000.

Now let’s look at the numbers:
Bitcoin

Hindi ito ang eksaktong price value ng bitcoin kada month pwedeng mas mataas or mas mababa ang price ng bitcoin, ginamit ko lamang ito as an example. Para hindi na tayo mahirapan mag compute.
Hindi hamak na much better ang result ng cost dollar-averaging kumpara sa lump-sum, pero ang kinaganda nito ay hindi mo na iisipin kung kelan ka bibili.

Benefits of Value-cost Averaging

1.Makakabili ka ng kaunting unit, pag tumaas ang presyo ng isang asset—at makakabili ka ng maraming unit kapag bumaba ang presyo ng isang asset( greate for risk management).

2.Makakaiwas ka sa risk ng “FOMO”, or fear of missing out. Kasi naka set na yung pera mo in a certain period of time.

3.Hindi mo kailangan mag desisyon based on emotion, Ginawa mo na ito nung una pa lang ng magsimula ka sa iyong investment journey.

4.Tinangal mo na rin ang temptation na timingan ang market.
Hindi mo kailangan i stress ang sarili mo at imonitor ang galaw ng market sa computer screen maghapon.

5. Hindi mo kailangan nang malaking capital para mag simula. Pwede kang mag simula sa maliit at di magtatagal ang porfolio mo ay lalago at mag cocompound.

6. Makakaiwas ka na rin sa “buy high, sell low” syndrome.

Overall, ang matinding kaaway ng trading at investing ay walang iba kundi ang emotion.

Katulad nga ng sinabi ko kanina, sa ganitong strategy, emotion will be remove from the equation.

Conclusion

Ang dollar- cost averaging strategy ay ginawa para mapadali ang pag iinvest natin.

Kung ikukumpara mo sa lump-sum investing strategy, na kinakailangan mo nang matinding skills and conviction para malaman mo kung anong susunod na mang yayari sa market. Ang madalas gumagamit nito ay mga professionals na sa market.

Pero hindi lahat ng investors ay may kakayahan or may skill para gawin ito. Kaya naman ang lump-sum method ay nagiging ineffective, or too stressful.

Ang dollar-cost averaging ay hindi masyadong stressful. At ito ay applicable sa kahit anong market whether it’s Shares, Real State, ETF, Mutual funds, Bonds and Cryptocurrencies.

1 thought on “Ang Pinaka Epektibong Investment Strategy sa Cryptocurreny (long-term)”

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart