May idea ba kayo kung bakit sinasabi nang ilan na isa itong threat sa traditional financial system na ginagamit natin ngayon?
Mag kakaroon tayo ng idea kung babalikan natin kung saan nag simula ang pera na ginagamit natin ngayon.
Barter system
Thousand of years ago, sinasabi ng mga eksperto na ang means of exchange ng mga tao ay tinatawag na Barter System. Ito yung paraan na kailangan mong ipagpalit ang bagay na meron ka sa bagay na gusto mo or kailangan mo.
Sabagay, paano kung walang tumatangap sa bagay na gusto mo ipagpalit? ano ang iba mo pang mga choices? Wala! Kaya naman sa panahong ito nagsimula ang Jack of all trades na ang ikinabubuhay ng mga tao ay pangangaso. Upang mayroon silang magamit sa pakikipagpalitan.
Di naglaon pag lipas ng ilang libong taon, ang pamunuhay ng mga tao ay unti unting nag upgrade, sa panahong eto na tinatawag na Pleistocene Epoch which ended around 10 thousand years ago.
So ano ang kinalaman neto sa Bitcoin? Malaki!
Cowrie shells
Dahil sa pagtaas ng demand sa controllable transaction, ito ang nagbigay daan sa
pag usbong ng sistema ng pananalapi. Which need to be used as a measurement of value, and a medium of exchange.
Pero hindi ito nagsimula sa paper money as we all know today.
Ito ay nagsimula sa Cowry Shells, isa sa pinaka popular na form of money noong panahon na iyon.
1. They have to be physical.
2. They have to be resilient. Hindi dapat madaling masira.
3. The community has to agree.
Kailangan ang lahat ay suma sang ayon kung ang isang bagay ba ay pwedeng gamitin sa pananalapi.
As simple as that,
Kung iisipin mo parang madali lang, lalo na yung 1st and 2nd charactheristic, ang naging problema lang ay yung 3rd kasi medyo komplikado. At noong 600 B.C dito na ito na resolba sa pag labas ng coins.
Kung mapapansin mo, ang mga options dati as a form of money, tulad ng Grains and Shells, merong malaking problema. Madali silang makuha, kung nakatira ka sa dalampasigan ay mayaman ka na.
How could this form of money to be trustworthy?
Kung madali naman siyang makuha? Ito ang issue na nasolusyunan sa pagkakadiskubre ng coins.
Coins
Sa ganitong paraan they could guarantee the worth of the coins. Sa panahong ito ang ginagamit sa pag gawa ng mga barya ay pilak at ginto na hindi basta basta makukuha kahit sa panahon ngayon, at ito ay controlado ng mga namumuno sa kanila.
Paper money
Malaking tulong ang pag kakaimbento sa coins.Pero meron pa rin itong mga disadvantages, kasi sa kadahilanang ang ginagawang coins ay mga precious metals.
Sinasabi na ang mga Chineese ang nagpasimula at nakaimbento ng first form of money, 100 B.C.
Imbes na mag dala nang coins lalo na kung maramihan, pwede nila ito iwanan sa bangko kapalit ng paper money na kung tawagin ay signed note, na magpapatunay ng value ng kanilang mga items.
At dahil nasakop ng Mongolia and China, na adopt nila ang paper money, hangang makarating sa Europa. In 13th Century dinala ni Marco Polo ang paper money system sa Europa.
Habang tumatagal, mas madalas ng gamitin ng mga tao ang paper notes kaysa sa valuable items na nasa likod nito which is gold. Napansin ng mga bankers na bihira na ang bumibisita sa kanila para ipalit ang paper notes nila sa ginto.
Dito na nagsimulang dumami ang supply ng paper notes, na halos hindi na lahat kayang supportahan ng ginto.
Ang paghihiwalay ng ginto at perang papel
Sa kasalukuyan wala ng back up na ginto sa mga paper money natin. Pero nuong 1930s, Prior to that, nagkaroon ng great depression bumagsak ang stock market.
Sa ganitong sitwasyon, limitado lamang pwedeng gawin ng Presidente ng America na si Franklin D. Roosevelt.
Kahit gustuhin nyan ibangon ang ekonomiya sa pamamagitan ng pag print ng karagdagang paper money for spending program, hindi kakayanin, kasi limited lang ang supply ng ginto.
Hindi nya rin magawang taasan ang tax during this crisis.
Dahil dito ang mga tao ay nagpanicked at ipinalit ang kanilang mga paper money sa ginto. Na nagdulot sa lalong pagbagsak ng economiya.
In 1933, Ginawang illegal ang private ownership ng ginto. Para ma pigilan ang patuloy na pag withdraw ng mga tao sa bangko. Ipinagbawal ang pagkakaroon ng ginto ng mga mamamayan at ang pinaka mataas na parusa ay pag kakakulong ng 10 taon. Ipinag utos sa kanila na kailangan nilang i turn over ang mga ginto at ito ay papalitan ng Federal Reserve ng paper money.
In 1971, tuluyan ng inalis ang pag suporta ng ginto sa paper money sa kautusan ni President Nixon. At nung 1977, naging legal na ulit mag may ari ng ginto ang kung sino man ang magnais nito.
Sa kasalukuyan ito pa rin ang ginagamit natin as a medium of payment for a transaction, although, wala ng back up value galing sa ginto, the value of paper money is guaranteed by the Government.
Mapapansin natin kung paano nag evolved ang money system natin, from Barter System, Cowry Shells at mga Coins hangang sa paper money, ngayon digital currency. Alam mu ba na 90 Percent of the entire money in the world is digital currency?
Digital Currency
Dito natin ipapasok ang Bitcoin, as a form of digital currency.
In 2009, nirelease ang white paper ng isang tao or grupo under the pseudonym Satoshi Nakamoto.
Dito pumasok ang idea ng decentralized, trustless, peer to peer system currency.
1. Decentralized: Ibig sabihin, walang namamagitan, halimbawa, magpapadala ka ng pera, kinakailangan mu munang pumunta sa western union, or palawan express na magsisilbing tulay, para makapagpadala ka.
2. Trustless: It means hindi na kailangan ng system na magtiwala ka dahil sa accuracy and integrity behind it. Hindi katulad sa centralized systems, na kailangan mung humanap nang mapagkakatiwalaan na hindi mawawala ang pera mo.
3.Peer to peer: Meaning ang transaction ay person to person na hindi na kailangan ng middle man between two parties.
Isa sa mga dahilan why Bitcoin is different from digital currency is the technology behind it. At ito yung tinatawag na Blockchain Technology.
In a simple term, “A blockchain is a digital mechanism capable of not only storing data and information, but also transferring it globally, securely, cheaply, immutably, and quickly without centralization”.
Ibig sabihin every transaction is distributed sa public ledger, kahit sino pwede tingnan ang historical or any future transaction. Sa ganitong paraan, hindi lamang iisang tao or company ang may control dito but the entire community.
Bitcoin is the first Cryptocurrencies, at hindi maitatangi na marami pang kakulangan upang ma adapt ito ng mga ordinaryong tao. At dahil dito marami ng ibat ibang uri ng Cryptocurrencies na lumabas, upang masolusyunan ang mga kakulangan nito, nandiyan ang Ethereum which offer smart contract, Ripple Xrp for cross border payments and so on..
Ngayon alam mo na kung paano nag evolved ang ating money system, at malaki ang potential ng Cryptocurrencies na baguhin ang ating financial system.
Ito ay banta sa traditional Centralized Institution.
Pero matanong lang kita, ngayon may idea ka na about Bitcoin, sa tingin mu ba ito na ang susunod nating money system? Or kung hindi man Bitcoin isa sa mga Cryptocurrencies? Well, Malaki ang posibilidad! Nasa early stage pa lang tayo at marami pang pwede mangyari.
Good info bat now ko lang nahanap to