Let’s talk about bull and bear flag pattern.
Narinig nyo na siguro ang salitang bull flag or bear flag sa trading.
I am sure you do, lalo na kung mahilig kang manuod ng youtube at mag basa-basa ng mga article tungkol sa trading.
Isa ito sa mga popular na chart pattern at maraming mga traders ang gumagamit nito.
Kaya naman if you don’t know how to use it or wala kang idea dito.
You better read this article at para madagdagan ang weapon na magagamit mo as a profitable trader.
Let me walk you through kung paano ito gamitin properly.
Here is how it looks:
Bakit ito tinawag na flag pattern?
Simple, mukha itong flagpole.
Nabubuo ito sa isang strong movement na kakikitaan ng mahabang candlestick at sinundan ng weak pull back.
Ang pull back ay binubuo ng maliliit na candlestick and a bit of short and tight consolidation.
Kaya ito nagmumukhang flag. Kapag sa uptrend ito nangyari, tinatawag itong bull flag sa posibilidad na pag papatuloy ng uptrend. At kapag sa downtrend naman ito nangyari, tinatawag itong bear flag sa posibilidad na pagpapatuloy ng downtrend.
Hindi sa lahat ng pagkakataon na kapag nakakita ka ng bull flag or bear flag you will enter a trade.
May mga bagay tayong kailangan iconsider.
Para sa akin ang pinaka magandang entry point dito ay sa breakout and if we have a strong trending market.
Kung makakakita man ako ng bullflag sa trading ranges, I will just ignore it.
Kasi it doesn’t make sense.
Maliban na lang kung magkakaroon ng breakout sa trading ranges.
Normally, if the market is tranding in ranges or moving sideways. Naglalaro ang price sa loob ng support and resistance. Pabalik balik lang.
Now, kung magkakaroon ng break out sa resistance level, and it form a bull flag pattern.
I will consider to enter a trade.
Sa posibilidad na mag patuloy ito sa pag taas.
Bakit ko nasabi?
Kapag may nangyaring breakout, hindi ito mapapansin ng lahat ng traders,
Karamihan sa mga traders hindi makakasabay sa breakout. At ang gagawin nila they will wait for a pullback.
Kaya naman pag nagkaroon ng weak pull back, ang ibig lang nito sabihin mas malakas ang control ng buyer side. And traders will jump into it that would result for an uptrend.
Ang example image na nakikita natin sa itaas ay isang magandang halimbawa ng bullflag, but not so perfect.
Ang flag pattern na ito ay hindi lang nagpapakita ng bull flag, pero nagpapakita rin ng lakas ng buyer side. Bago pa nagkaroon ng breakout, kapansin pansin ang ascending triangle chart pattern na nabuo sa resistance level.
Nangyari ito pag katapos ng downtrend, a good example of an accumulation stage.
Kaya napaka bullish ng set up na ito, and it results in a massive uptrend.
Strong trending market
Sa strong trending market naman hindi yung parabolic move.
Ang ginagawa ng mga traders dito they just ride on a trend. Alam nila na hindi sila pwede sumalungat dito.
Pero ang market hindi yan tumatakbo ng isang straight line lang, you should always expect for a pullback.
In a strong trending market kapag nakakita tayo ng flag pattern we can consider entering a position.
Tingnan na lang natin yung example image sa itaas, of course this is a bitcoin daily chart. Although, nasa uptrend ang market, kakikitaan pa rin ito nang mangilan ngilan na pull back.
Depende na sa strategy ng trader, kung anong atake ang gusto nyang gawin, follow the trend, swing trade or position trading,etc.
Downtrend market
Kapag naman ang market ay nasa downtrend, ang kailangan lang natin gawin is to enter a short position and look for a bear flag pattern.
Ang example image na nakikita natin is not a perfect bear flag, pero hindi natin kailangan ng perfect formation nito.
Ang kailangan natin makita ay ang structure ng market kung bakit ito nabubuo at kung sino ang may control dito.
How to trade flag pattern
Ngayon may idea na tayo sa itsura nang flag pattern, pero ano ang the best way to trade it?
Depende yan sa structure ng market pero ang number one sa akin ay ang breakout.
Siguro sasabihin nyo Napakadaming breakout na nangyayari sa chart alin ba doon?
Good question, breakout sa support and resistance ang pinaka the best.
Kapag ang market ay nagtagal sa trading ranges, expected na ang breakout.
Same din ang diskarte kung ang breakout ay nangyari sa support level, wait and observe for a formation of a bear flag pattern.
Then enter on a first pullback, make sure that it is a weak pullback.
Let’s take a look at the example image. Ito yung sinasabi kung weak pullback. Pwede tayong mag enter mismo sa pullback or sa breakout ng flag pattern.
Ang stop loss naman ay nakalagay sa swing low or swing high.
Target profit will depend on your strategy. You can ride a trend or just catch the swing.
Sa totoo lang marami tayong strategy na pwedeng iincorporate sa flag pattern. Hindi ko na iisa isahin.
Dahil kung nagbabasa ka lagi sa Altcoinpinoy. I am pretty sure, na alam mo na ang mga bagay na ito.
Again, kung may natutunan kayong bago sa article na ito, don’t hesitate to share this with your friends and fellow traders.
Happy trading!