A Simple Momentum Trading Strategy (Tagalog)

momentum trading

Sa tinging ko every type of traders ay dapat mag karoon nang idea or sapat na kaalaman about momentum trading.

Kasi ang strategy na ito ay makatutulong para malaman kung saan tayo mag bubuy or mag eexit sa isang particular na trade.

In this article, aalamin natin kung paano ito gamitin at kung anong maitutulong nito sa atin as a trader.

Pero bago ang lahat, what is momentum?

Ano nga ba ang ibig sabihin ng momentum?

Let’s go back to our science class, para mas maintindihan natin kung paano ito nag wowork.

Kapag sinabing momentum, ito ay tumutukoy sa matter and motions.

Nag iincreased ang momentum based on mass and velocity.

Halimbawa, kung nag mamaneho ka ng kotse at nawalan ka nang preno at nagkataon na nasa downhill ka nang kalsada, ang tendency bubulusok ito paibaba. Dahil nag iincreased ang velocity at ang momentum kapag ang kalsada ay mas matarik.

Babagal lamang ang velocity kapag nag level off na ang kalsada na dinadaanan mo.

So that principle is applied also in trading.

Ang isang magaling na momentum trader ay makakasakay  ka agad sa trend bago pa ito bumulusok paitaas at pababa.

Pero may mga ibang traders na sumasakay dito once na confirmed na nila ang momentum. Pero ang problema lang sa ganito, they will missed out some part of the price momentum.

Price action momentum.

Ang pinaka foundation ng price action momentum ay ang candlestick chart patterns, pwede din naman gumamit ng bar chart, depende na lang sa trader.

Kung nabasa mo na ang articles ko about candestick chart patterns, so I expect na mayroon ka ng  idea kung paano ito nabubuo.

Every candle stick sa kahit anong time frame 1 minute, 1 day, 1 month, etc. Ay mayroong momentum mahina man or malakas.

As so you know, ang candlestick ay labanan between bulls and bears.
Ang candlestick ay binubuo ng opening price, closing price, lowest price, highest price.

Kapag bulls are in control, ang closing price ng candlestick ay mas mataas sa opening price
Kapag bears are in control, ang closing price ng candlestick ay mas mababa sa opening price.

Ang momentum ay nangyayari kapag ang price ay tumaas or bumaba sa napaka ikling panahon.
At para maidentify ito, ang gagamitin lang natin ay ang candlestick.

Kung mapapansin nyo ang image sa itaas, alin sa tingin ninyo ang mas malakas ang momentum?

Of course, yung candlestick 2.

Bakit?

Kasi kung titingnan natin ang pangalawang candle stick, from opening to closing price bulls are in control. wala kang makikitang wick sa taas at sa ibaba ng candle. Nagpapatunay ito sa lakas ng bull side.

Kung titingnan naman natin ang candlestick number 1, although makikita natin na bulls are in control din sa candle na ito, pero hindi nga lang ganoon ka lakas.

Yung wick nya sa low side, ay nagpapakita na naka experienced ito ng bear side control sa opening price nito. At kapansin pansin din ang wick sa itaas nito, ibig sabihin bago mag closed candlestick bears are in control.

Laging pakatandaan, kapag ang isang candlestick ay nawalan ng momentum at nag pull back ng 50% of its range. Pahiwatig ito nang kahinaan at pag katalo sa laban ng bears or bulls sa isang particular na time frame.

How to identify price action momentum?

Nangyayari ang momentum sa mga bagay na sa tingin ko alam nyo na rin.

Support and resistance
Fibonacci levels
-Confluence levels

Alam naman natin na kapag na hit ng price ang certain levels tulad ng support and resistance, it could bounce. Ganoon din sa Fibonacci levels at confluence levels. At dito normally nag sisimula ang momentum.

Momentum trading signs

May dalawang bagay tayong kailangan makita kung ang bulls and bears ay nakaranas na ng weak momentum.

Bullish momentum decreasing

Normally, kapag ang price ay papalapit nang papalapit sa isang major resistance.
Ang tendency humihina na ang momentum nito.

Kapag napansin mo na ito, at naka long position ka pwede mo na iconsider to take profits and sell your position.

If you don’t have any enter position, you may consider this as a shorting opportunity.

Bearish momentum decreasing

Kapag ang price ay unti unting lumalapit sa isang major support level, usually, humihina ang momentum at mapapansin natin ito sa itsura ng candlestick.

This could be a buying opportunity. Kung na ka short position ka naman, you can sell now your position and take your profits.

Examples of momentum trading

Sa example na nakikita natin sa itaas, kapansin pansin ang pag hina ng bearish candle ng tumama ito sa support level. And it shows strong momentum sa bull side.

Dito naman sa example ng ETH daily chart. Kapag na hihit ng price ang resistance level, ito ay nag bobounce paibaba.  Sa pangatlong pagkakataon, habang umaakyat paitaas ang green candle, nag pakita ito ng weakness that could be a sign for a possible reversal. At ito nga ang nangyari ng tumama ulit ito sa resistance level na bumuhay sa momentum ng bear side.

Ang momentum trading strategy ay pwede rin idagdag sa iba pang mga trading strategy, tulad ng trendline trading strategy, horizontal channel, diagonal channel etc.

At ganon lang kasimple gawin ang momentum trading.

Pero teka lang parang may kulang anong indicator ang gagamitin ko?

That is a good question.

Well, wala.

Why?

Kasi this is a type of price action trading strategy. Ang main focus lang ng strategy ay ang price action.
It’s up to you kung gusto mo lagyan ng mga indicators tulad ng RSI, MACD etc. It always depends on the trader preference.

This is just a simple trading strategy, na magagamit ng kahit sinong trader. Marami pang uri ng price action strategy, and I will try to cover that here in Altcoinpinoy.

If you like this article you can always show support by sharing this content to your friends and to people who wants to learn simple trading techniques.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart