A Simple Method How to Let your Profits Run (tagalog)

“Cut your losers and let your profit runs”.

How many traders can actually do this?

Maybe a few.

Sa totoo lang mas madali syang sabihin kaysa gawin.

Pero sa article na ito, I will give you a simple technique kung paano iexecute ang strategy na ito, gamit lamang ang trendline.

Pwede ka din naman gumamit ng ibang indicator tulad ng moving average, but in this article, I will focus on trendline. And how we can use it properly.

Take note, hindi mo pwede gamitin ang strategy na ito kapag ang market ay nasa trading ranges.
Mag wowork lang ito kapag ang market ay nag tetrend, whether it is uptrend or downtrend.

Pwede natin iincorporate ang iba pang trendline strategy but instead of setting up a profit target, we will let the profits run.

Kasi kadalasan naman kapag nag set tayo ng profit target at kapag na hit na yung target na yun, the price normally won’t stop there, nagpapatuloy pa din ito sa trend.

If that is the case, bakit hindi natin imaximize ang profit na nakukuha natin?

Uptrend

Ngayon, tingnan natin yung  image sa itaas. Sabihin natin na ginagamit mo ang trendline trading strategy and you enter a trade.

Instead of setting a profit target ang gagawin mo ngayon gagamit ka ng trailing stop loss at susundan mo kung hangang saan aabot ang trend.

Therefore, you can maximize your profit. As soon as the price break the rising trend it will go with the downtrend. At ito yung magsisilbing sign na kailangan mo na mag exit at mag take ng profit.

Downtrend

Same process sa downtrend market, guguhit ka muna nang  downward trend line. sa possibility na dito tatakbo ang trend ng market, and we don’t know kung hangang saan ang aabutin nito. Kaya nga hindi tayo mag seset ng profit target.

To think napakasimple lang ng strategy na ito, but some traders preferred to use a complex strategy. Sa pag aakala na kapag mas komplikado mas makakapag profit sila. Well, not in trading.

Simplicity always beat complexity.

Although, this is a simple technique, maraming mga traders ang nahihirapan iapply ito sa trade.

At ito ang mga kadahilanan.

Excitement and fear

Mahirap pigilan ang damdamin pag dating sa pera, kapag nakakita tayo ng kaunting profit sa trade gusto na natin kuhain ito ka agad.

We are exited to get this profit. Baka nga naman mawala pa sa akin ito, pera na naging bato pa. May point nga naman, we should always take profit.

Pero the question is, not all of your trade is a winning trade. Minsan lang dumating ang pagkakataon, and we don’t want to lose this opportunity to maximize our profits.

No idea

Hindi lahat ng traders naiintindihan ang takbo at structure ng market. They have an idea, pero limited. Hindi nila alam kung paano ito iexecute, and they don’t trust themselves, or they don’t have any trading plan and strategy.

Retrace

Ang normal na reaction ng isang trader kapag naka experience ng retrace at alam nyang may profit na sya kahit papaano, they close the trade. Simple, sa paniniwala na ang magtutuloy tuloy ang reversal.

Ang kagandahan sa strategy na ito, ay hindi mo kinakailangan bantayan lagi ang market, kaunting oras lang ang gugugulin mo sa pag seset up nito at may magagawa ka pang ibang bagay.

Sa trading bihirang bihira na matatimingan mo ang top at bottom. Minsan makaka tsamba ka ng isang beses or dalawang beses.

In this strategy, hindi mo kailangan humanap ng timing, kailangan mo lang hayaan na ang profits mo ay tumakbo. At sa ganitong strategy hindi mo maiiwasan ang pullback and retracement, and this is a big issue sa karamihan ng mga traders.

They cannot handle it.

Napakadali lang ng strategy pero napakahirap psychologically.

Conclusion


May  iba pang mga way kung paano gumamit ng trailing stop na hindi na discuss dito sa article, may mga indicator na pwedeng magamit tulad ng ATR( Average True Range) with trailing stop. That will be covered seperately. For now, if you want to maximize your profit, this simple technique will surely help you.

1 thought on “A Simple Method How to Let your Profits Run (tagalog)”

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart