Noong first time ako mag trade ang una kung ginamit na cryptocurrency exchange ay ang Cryptopia (Wala na haha). Syempre nanuod muna ako ng mga tutorial sa Youtube kung paano ba ako makakabili ng coins dito. At hindi nag tagal, I tried different crypto exchanges at dito ko natagpuan si Binance.
Para sa akin ito ang pinaka the best na exchanges for beginners.
Kaya naman I highly recommend binance, lalo na sa mga baguhan pa lang sa cryptocurrency world.
So what is Binance?
Ang Binance ay isang digital asset exchange service. Isa itong online platform na pwede kang bumili ng iba’t-ibang uri ng cryptocurrencies gamit ang Bitcoin. Ang kaibahan ng binance sa ibang cryptocurrency exchange ay ang dami ng mga coins na available dito. Kaya naman ito ang biggest and the most popular cryptocurrency exchange in the world.
And I know that this is the safest cryptocurrency exchange, kahit na nahack ito kamakailan lang at nawalan ng 7,000 BTC. Naging safe pa rin ang funds ng mga account holders, kasi mayroon silang SAFU (Secure Asset Funds for Users).
Okay let’s start.
Go to Binance.
Tips: Bago ka mag log in sa binance check mo muna kung secure yung website. Para maka sigurado ka na sa binance platform ka mapupunta. Maraming mga fake website na nagpapangap na legit, kaya kailangan mo maging maingat. Kasi kapag nakapag log-in ka sa fake website. Mawawala lahat ng laman ng account mo.
Kung wala ka pang account sa binance mag sign-up ka muna gamit ang aking referral link if you want lang naman just go here.
Or pumunta ka na lang directly sa website sa bandang kanan hanapin mo lang yung register
Ilagay mo lang ang mga information na kailangan. Alam kung hindi mo babasahin ang term of use, kaya icheck mo na lang, and then click register.
Katulad din ng ibang mga exchanges, ang binance ay may referral system kapag may na irefer ka na kakilala mo, makakatangap ka ng 50% ng trading fees nila.
Kapag na iset-up mo na ang account mo. Lalagyan mo muna ito ng funds bago tayo mag simula mag trade.
Sa bandang kaliwa hanapin mo yung funds click mo lang tapos click deposit.
Mapupunta ka sa deposit page kung saan pwede ka mamili kung anong cryptocurrency ang gagamitin mo sa pagdedeposito. For this example gamitin natin ang XRP.
Importanteng basahin mo muna ito, kasi kada coins mag kakaiba ng procedure. Katulad ng XRP na kinakailangan pa ng Tag bukod sa address para makapag send ng funds.
Sa Bitcoin at Ethereum hindi mo na kailangan ng Tag. I checked mo lang yung box then hit continue deposit.
Ngayon mapupunta tayo sa page kung saan makikita natin ang XRP Tag at ang XRP address.
Icopy mo lang yung dalawa or iscan ang QRcode para mas madali lalo na kung smartphone naman ang gagamitin mo.
In this tutorial, ang gagamitin natin sa pag lalagay ng funds papunta sa binance ay ang coins.ph.
Kung wala kapa nito kailangan mo muna mag sign up. Or pwede ka naman gumamit ng ibang wallet, halos parehas lang naman ang procedure.
Open mo lang ang coins.ph then convert your funds from PHP to XRP. I recommend using XRP
kasi mas mabilis at mababa ang transaction fees kumpara sa ETH at BTC.
Pero pwede ka naman gumagamit ng iba tulad ng BCH. It all depends on you.
After mo maconvert sa XRP ang funds mo. I sesend na natin ito sa binance.
Click mo lang yung send, tapos may makikita ka na options dito na send by email/ sms/facebook (hindi natin papansinin ito), Scan XRP QRcode at Enter XRP wallet address. Alin lang diyan sa dalawa, kung saan ang mas comportable kang gamitin.
Kung gusto mo naman icopy paste, ang image sa itaas ang makikita mo—siguraduhin mo lang na tama ang tag at XRP address na ilalagay mo. Always double check the address. Then, after mo mag send ng funds pa punta sa binance, mga ilang minuto lang ang hihintayin mo at mag aapear na ito sa balance ng account mo. Kapag ready na ang lahat, pwede na tayo mag trade.
Babalik tayo sa home page ng binance at makikita natin ang ibat-ibang uri ng cryptocurrencies na tradable dito. Pwede kang mamili kung anong market ang gusto mong gamitin.
May dalawang options ka na pwedeng pag pilian sa pag ttrade ito ang Basic at Advance, makikita ito sa bandang kaliwa sa itaas ng hompage ng binance. Click mo lang yung Exchange na word at lalabas na yung basic and advance option.
For the simplicity of this tutorial gamitin natin ang basic, although, mas madalas kung gamitin ang advance options.
Sa left side kung saan makikita mo ang order book. Dito natin makikita ang mga active buy and sell limit orders. Ang limit order ay ang desired price na nilagay ng buyers at sellers at ito ay maiexecute lamang kapag nag kasundo sa price ang dalawang partido.
Ang nasa itaas ng order book yung Red, ito yung limit sell orders na naghihintay na ma filled.
At ang Green naman na nasa bottom ay ang limit buy orders na waiting din na mafilled.
Sa price action makikita natin ang representation ng galaw ng market sa pamamagitan ng candlestick chart patterns. Dito rin tinitingnan nang mga traders ang mga indicators na kakailanganin nila para makapag profit sila sa pag ttrade.
Sabihin natin na gusto mo bumili ng TRX gamit ang XRP. Makikita mo sa bandang kanan nang image ang mga trading pair na available for XRP. Click mo lang yung TRX/ XRP trading pair.
Ngayon titingnan mo ang order book at kailangan mo piliin ang nasa pinaka bottom ng sell order para ma execute agad ang trade mo.
Mapupunta ito sa buy TRX place order. Makikita mo sa image na ang price ng TRX na napunta sa place order ay 0.08054. Ito ang price na bibilihin mo gamit ang iyong XRP.
Kung mapapansin mo ang image sa itaas kung saan makikita mo ang balance ng XRP na nasa loob ng blue na box ay zero. Kasi wala akong balance sa XRP, pero normally diyan mo makikita yung balance na sinend natin galing sa coins.ph.
May options tayo kung 50% or 100% ng kabuuan ng balance natin ang gagamitin.
Pag nakapag desisyon ka na kung magkano ang ipambibili mo, iclick mo lang yung malaking green box na Buy TRX.
Para makita mo naman ang status ng ng binili mo nakalagay ito sa pinaka baba ng page sa “open order.” Kung hindi agad na execute ang order mp, ang status na lalabas ay open order. At pag nacomplete naman it will be filled or minsan naman cancelled, pag nag failed ang order.
Ganoon lang, nakabili ka na nang TRX gamit ang XRP. Ang processo ng pag buy at sell ay halos parehas lang. Kaya naman hindi ko na kailangan ipaliwanag pa kasi parang uulitin ko lang ang sinabi ko.
Withdrawing funds
Sabi nga nila hindi advisable mag iwan ng funds sa isang exchange maliban na lang kung madalas ka nag ttrade. Pero kung ang purpose mo ay ihold ng matagal ang coin, kailangan mo ito ilipat sa isang wallet.
Sa pag withdraw, lagay mo lang yung amount na gusto mo iwithdraw , may minimum withdrawal yan depende sa coin. Tapos ipaste mo lang yung address ng wallet mapa software man or hardware wallet man yan. Hintayin mo lang macomplete ang transaction, may marereceived ka naman na email about sa withdrawal process na ginawa mo.
Security
Katulad din ng ibang mga exchanges, highly recommended na ma enabled mo ang two-factor authentication (2FA) sa binance, dag-dag proteksyon mo ito sa iyong account.
May dalawang method ng 2FA ang binance, ito ang SMS at Google authenticator.
Sa SMS version ilagay mo lang ang desired phone number mo at may marereceived ka na code para ma completo mo ang setup. Sa Google authenticator naman, kailangan mo idownload yung applications. Scan mo lang yung QR code na ibibigay ni binance, at huwag mo kalimutan itabi ang
16 word recovery phrase just in case na mawala mo ang Google authenticator mo sa phone.
Conclusion
Basic tutorial lang naman ito kung paano mag trade sa binance, para sa mga mag uumpisa pa lang mag trade or gusto lang bumili nang coins na hindi available sa ibang mga wallet, katulad ng coins. ph na kakaunti pa lang ang supported na cryptocurrencies.