A Proven and Profitable Long Term Strategy| HODLING (Tagalog)

In any financial market, ang cryptocurrency market na yata ang pinaka profitable when it comes to return. At pinaka risky rin, syempre ang laging kaakibat ng high reward ay high risk. Kaya naman if you manage your risk you manage your reward as well.

Pero ang gusto ko pag usapan ngayon ay ang long term strategy or ang tinatawag nilang HODL.
Kung bago ka lang sa crypto world magtataka ka siguro kung bakit hodl imbes na hold. Well, nag umpisa yan sa isang bitcointalk forum ng ang isang member ay nagkamaling itype and salitang “hold” at naging “hodl”. And now nakasanayan na ito ng crypto community and they called it Hold On For Dear Life (HODL).

Ito yung buy and hold strategy na sa tingin ng mga investor na tataas ang value ng asset na hinahawakan nila for a long period of time.

Pero profitable nga ba itong strategy?

My answer is Yes, but it depends.

Kung mag hohold ka ng shitcoin for 3 years at mag dadasal kang tumaas ang value nito. Nag aaksaya ka lang ng pera at panahon. Kaya naman depende ito sa asset na hinahawakan mo.

Ang long term sa cryptocurrency market ay pwedeng tumakbo ng 1-3 years, samantalang sa ibang financial market tulad ng stock, may sukat itong 5-10 years.

Sa totoo lang this strategy is ideal for begginners. Pero karamihan sa mga begginners mas pinipili ang trading. Kasi mas exiting ang pag tetrade kaysa mag antay ng matagal na mag appreciate ang value ng investment. In short, long term strategy is boring.

Kung sakaling nag invest ka sa bitcoin 3 years ago noong August 2016 sa halagang $550(PHP 28,050) at ibebenta mo sya ngayon $11,850 as the time of writing (PHP 604,350) may profit ka na 2,054%. Hindi na masama.

Pero ang ganitong profit possible kaya sa trading?

I think Yes, pero depende sa trader.

Sabihin natin may dalawang baguhan na gustong subukan kumita ng pera sa cryptocurrency market noong 2016. Gagamitin natin ang example ng time frame sa itaas para may reference tayo.
Ang isa ay gagamit ng hodl strategy at ang isa naman ay susubukan ang kapalaran sa trading.
Ngayon alam natin na ang gumamit ng hodl strategy ay nakapag profit ng 2,054% sa loob ng 3 years.

Pero ang tanong kaya ba ito gawin ng isang baguhan sa trading?

Remember isa syang baguhan, at kailangan nya muna pag aralan ang galaw ng market, chart patterns, indicators, risk management, psychology at iba pang mga aspeto na kasama sa technical analysis.
Kailangan nya rin makabuo na sarili nyang strategy at system na angkop sa kanyang trading style.
At hindi ito mamamaster ng ilang buwan lang, it takes years of experience to be successful in trading.

And we all know na hindi ito ganoon kadali para sa isang baguhan. Maari naman swertehin sa ilang mga trade, pero mas malaki pa rin ang chance na matalo sya sa susunod na mga trade.

The advantage of long term investing

It takes emotions out of the equation.

Recommendable ito sa mga baguhan sa pag iinvest at
Bagay ito sa mga taong busy na walang time na tumunganga sa harap ng computer mag hapon at bantayan ang taas baba ng value ng isang asset. Hindi nila kailangan timingan ang market kung kelan sila bibili at mag bebenta. Kasi nga naka set na sa isip nila na ihohold nila ito ng ilang taon.

Proven

Ang strategy na ito ay subok na sa financial world, na applicable din naman sa cryptocurrency market. Ang isa sa mga kilalang personalidad sa traditional finance na si Warren buffet ay fan din ng long term strategy. Hindi sya nag tetrade or gumagamit ng technical analysis bago sya bumili nang isang asset.
Ang method na ginagamit nya ay ang value investing. Ang pag bili sa isang asset na undervalued at maghintay na lumabas ang tunay na value nito.

Ang ganitong istilo ay ginagamit din ng mga hodler sa pag tingin sa fundamental analysis.
Dito nila makikita ang potential ng isang project kaya bibilhin nila ito sa mababang halaga at balang araw lalabas din ang tunay na intrinsic value nito and they will sell it.

It’s really easy for anyone to do.

Ang kagandahan ng hodl strategy ito ay para sa lahat. Kahit sino pwedeng pumasok dito, kailangan lang nila pag aralan at makita ang potential ng isang project and they can buy it and hold it for several years.

You’ll sleep better at night

Isa sa mga nagiging problema ng mga traders ay ang kakulangan sa pag tulog, kailangan kasi nilang bantayan ang galaw ng market. Parang mga sniper na nag aantay ng pag kakataon makasilat sa kalaban.
Sa kabilang banda, ang mga hodler ay walang pakialam sa galaw ng market on a particular day, kahit na mag karoon ng flash crash at drawdowns ang asset na hinahawakan nila, they don’t bother—kasi alam nila na parte ito ng cycle at temporary lamang ito.

Lower trading cost

Isa sa mga advantage nang HODL strategy, ay ang low trading fees, unlike sa mga active traders tulad ng mga day traders. Kahit sabihin natin na mababa lang naman ang fee, okay lang mag trade ng mag trade. Pero ang maliliit na ito kapag pinag sama sama mo sa loob ng ilang taon malaki rin. Kaya don’t underestimate the fees, diyan lang naman yumayaman ang mga exchanges.

Conclusion

What works for you, works for you. Kahit anong strategy pa ang gamitin mo mapa long term or short term trading. Mag wowork lamang yan kung bagay ito sa personality mo. Ang HOdling ay bagay sa kahit na kaninong average joe, karamihan naman ng mga hodlers ay dumaan din sa trading and they realized na ang personality nila ay hindi bagay dito or hindi nila kayang ihandle ang kanilang emosyon.

That is why they switch to hold rather than to make a trade for a living.
At ang iba naman kaya itong pag sabayin, they hold 70% of their portfolio and trade the 30%.
So enjoy trading and hodling.

1 thought on “A Proven and Profitable Long Term Strategy| HODLING (Tagalog)”

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart