I personally believe na ang bull run na mararanasan natin ngayon ay magkaibang mag kaiba sa bull run na nangyari noong late 2017.
Pag usapan natin ang mga fundamental aspect na may halong kaunting technical analysis.
Almost 98% ng mga crypto enthusiast ay naniniwala na nasa bull market teritorry na tayo. And I am one of them. Pero mayroon mga ilan na naniniwala pa rin na tayo ay nasa bear market at may posibilidad na bumagsak pa ang price ng bitcoin sa $3,000 region or even $1,000. Hindi ko alam kung anong kinakain nitong mga ito or talagang sarado lang ang kanilang mga isip sa katotohanan. Or wala lang silang idea sa market cycle.
In technical analysis once na nasa ibabaw na ang price ng isang asset sa 200 Moving average, nasa bull market na tayo, as simple as that.
Pero ang bull run na ito ay hindi mo pwedeng ikumpara sa bull run na nangyari last 2017.
Institutional money
Magbalik tanaw tayo sa nakaraan, nang mabasag ang $10,000 region noong November 2017 dito na nagsimula ang media hype. Yung tipong kahit kapit bahay mo alam na ang bitcoin—at yung mga taong hindi nag iinvest nagkaroon ng idea about bitcoin and blockchain. Laman kasi ito ng iba’t ibang articles at news paper pati na rin sa social media.
Ang akala ng mga tao they can easily make money when they invest to bitcoin, at iba pang mga cryptocurrency. Kaya naman umabot ito ng $14,000 sa maikling panahon, kaunting pullback sa $11,000 region at after 2 days pumalo ito ng $17,350.
Ambilis ng pangyayari and I remember ang ibang mga exchanges ay itinigil muna ang pag reregister sa kanilang mga platform, kasi hindi na nila kayang ihandle. At umabot nga ang price ng bitcoin almost $20,000 at pagkatapos nun, alam nyo na ang sumunod na pangyayari. Welcome bear market of 2018.
Ito ay tumatak sa isipan ng mga retail investor lalo na siguro doon sa mga nag invest sa pinaka tuktuk ng euphoria. At hangang sa ngayon takot pa din silang pumasok muli sa crypto world.
It means ang 2017 bull run ay more on hype and ICO boom, at ang pera na pumapasok sa market ay galing sa mga retail investor.
Ngayon ang price ng bitcoin ay nag lalaro sa $10,000 region, which is the psychological area. Pero hindi pa pumapasok dito ang mga retail investor. Ang google searches at media hype ay hindi ramdam sa ngayon, kumpara noong 2017.
Pero saan nangagaling ang pera na pumapasok sa market, kung wala pa ang mga retail investor dito?
Ito ay galing sa mga institution investor(Ito yung mga may high net worth individual) na paunti unti pumapasok sa market.
Maraming mga investment report na nag sasabi na patuloy na tumaaas ang interest ng institution sa cryptocurrency market.
At ayun sa sinabi ni Oliver von Landsberg-Sadie sa coindesk, CEO ng BCB isang financial services group with digital asset.
“The 2013 bubble was driven by technocrats and dark web trawlers and the 2017 rally was led by the whims of speculative retail traders, 2019’s growth belongs to financial institutions who are diversifying stale portfolios and finally have the professional machinery to do so.”
And recently, confirmed na ang launching nang BAKKT(bitcoin futures exchange and digital asset platform)next month. This is big news, at possible na maging catalyst sa mas aggressive na bull run by the end of the year.
Trade War
Napaka unstable ng international economy at politically, dahil na rin sa namamagitang tensyon sa pagitan ng America at China. Mayroon pong nagaganap na trade war sa pagitan ng dalawang bansang ito.
Sa ganitong sitwasyon ng economic uncertainty, ang mga financial institution ay nag hahanap ng safe havens, na mapaglalagyan nila ng kanilang mga pera. Dahil sa kawalang ng tiwala sa dolyar, they will look for uncorrelated asset which is Gold as a store of value. And we all know na ang bitcoin ay madalas ma ikumpara sa Gold, dahil na rin sa mga pagkakapareho ng dalawa.
Kahit napaka volatile ng bitcoin, alam ng karamihan na walang sino man ang kayang mag pabagsak dito.
At dahil sa scarcity na tinataglay ng bitcoin, ang price nito ay patuloy lang na tataas.
Bitcoin is treated as a store of value not a medium of exchange.
Libra
Another factor is the cryptocurency of facebook ang Libra. Kahit na hinahadlangan ito ng gobyerno at maraming struggle na kinakaharap ang project na ito. Sa tingin ko pipilitin pa rin nila na ito ay ma launch. Hindi biro ang oras at pera na inilaan dito para lamang mag fail. Kapag nagkataon, this will be a huge step to adaption para sa buong crypto community.
Although, may mga argumento sa pagiging decentralized nito. Hindi ito magiging hadlang para mas lalong lumawak ang awareness ng mga tao sa cryptocurrency world centralized man or decentralized. Malaki ang epekto nitong dala hindi lang sa crypto space pati na rin sa traditional finance. Hindi malayo na ang ibang mga malalaking corporation ay sumunod sa yapak ng facebook na mag labas din nang sari-sarili nilang cryptocurrency, tulad ng Google at Amazon.
Napapabalita na ang China ay nag dedevelop na rin ng kanilang sariling cryptocurrency.
Ito yung mga senyales ng rapid growth ng cryptocurrency.
Habang lalong lumalawak ang knowledge ng mga tao sa cryptocurrency, they will discover the underlying value of bitcoin na mag reresulta sa pag taas ng demand nito.
Halvening
I created a different article about bitcoin halving, hindi ko na masyado ito ieelaborate.
Kailan huling nangyari ang bitcoin halvening?
Nangyari ang huling bitcoin block reward halving noong July 2016. From 2016 to 2017 ang price ng bitcoin ay bumulusok from $268 to $2,525. Halos 10 fold ang increased na nangyari, pero tumaas pa ito ng tumaas sa mga sumunod na buwan.
Pero mangyayari kaya ito ulit sa nalalapit na halving sa May 2020?
Ang past performance nang isang asset ay hindi natin maguaguarantee na ito rin ang mangyayari sa future performance nito.
Pero simple economics lang naman. Kung babawasan mo ang supply ng isang bagay at ang demand ay patuloy na tumataas, malaki ang chance na maulit ang nangyari last halving or mas higit pa dahil na rin sa fundamental aspect na tinatakbo ng bitcoin.
Pero nag mature na ang bitcoin ngayon kumpara noong 2017. Noong 2017, walang bakkt, hindi pa naiisip maglabas ng cryptocurrency ng facebook, hindi pa pinapansin ng institution ang market, wala pang JPM coin ang JP morgan, hindi pa nag twetweet si donald trump about bitcoin etc.
Kaya naman I am long term bullish about bitcoin. A fraction of bitcoin can make you rich in the near future. This is not a financial advice pero ito ang nakikita ko, bitcoin will change your life at nag uumpisa pa lamang ito. Kung sasabihin mo na nahuli ka na sa pag iinvest sa bitcoin well nagkakamali ka. Kasi parang sinabi mo na rin na hindi ka na pwedeng gumamit ng internet kasi na huli ka na.
Bitcoin is here to stay and the blockchain technology. Kung sa tingin mo napakataas na ng ng price ng bitcoin ngayon kasi nasa $10,000. Well, you will regret this 10 years from now at sasabihin mo sa sarili mo na sana bumili pala ako ng bitcoin noong nasa $10,000 pa lang ito.