A Better Way to Invest in Altcoin Season (tagalog)

Ngayon ang bitcoin ay patuloy na tumataas maraming mga crypto traders ang nag eexpect sa paparating na altcoin season.

Ang altcoin season ang panahon na kayang ioutperform significantly ng mga alts ang bitcoin.
Sa panahong ito ang price valuation ng bitcoin ay nagiging stagnant. Katulad nang nangyari noong 2017.

Kailan ito mangyayari?

This is purely based on my opinion at base na rin sa mga ibang analyst. Kung titingnan natin ang historical events ng bitcoin.

Ang altseason ay nangyayari  pag katapos ma break ng bitcoin ang (ATH) all time high nito.
Last time ito nangyari noong February 2017 ng ma break ng bitcoin ang ATH na $1,000. Ang  previous all time high ay naganap noong 2013.

From February 2017 bumulusok pataas ang mga altcoins tulad ng ETH na nag increase ng 6,234%, LTC nag gain ng 7,771% at XRP na pumalo ng 11,150%.

Ngayon kailangan ma break ni Bitcoin ang current ATH  na $20,000. Sa tinatakbo ng bitcoin ngayon, malaki ang chance na ma break ito ulit this year.

Take note na ito ay nangyari lahat after Bitcoin halving, 339 days away. At alam naman natin na ang bitcoin halving ay mangyayari pa lamang next year on May 2020, 330 days from now. So kung history may repeat itself, ang altcoin season ay medyo matagal pa natin hihintayin humigit kumulang dalawang taon.

What to do?

We can accumulate as much as we can and wait for the profit. Pero ang magandang strategy ay mag hintay na maabot ng bitcoin ang all time high nito. Bago lumipat sa altcoin, kasi by that time na maabot na nang bitcoin ang ATH— nagsisimula nang maglipatan ang mga traders at investors sa  altcoin.

But who knows?

We cannot say kung anong mangyayari in the future. Kasi iba na ang estado ng bitcoin ngayon kaysa noon. Marami ng pag babago ang nangyari at unti unti ng pumapasok ang mga institution tulad ng Fidelity at Bakkt, ilalabas ng rin ang Libra next year ang cryptocurrency ng facebook.

Mas aware  na ang mga tao sa bitcoin. Andami ng fundamentals na nadagdag sa cryptocurrency.
Kaya naman hindi impossible na ang altcoin season ay mangayari ng mas maaga kaysa sa inaasahan.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart