7 Qualities of Successful Traders That Have in Common (Tagalog)

Altcoinpinoy

Napakadaming paraan para kumita nang pera sa market from long term investors, day trading, swing trading, position trading at may tinatawag pa ngang trend followers. Pero kahit na magkakaiba ang paraan ng approach nila sa market, base sa mga na research ko at mga nabasa na libro about trading and investing. May mga common traits ang mga succesful investors at traders.

At ito yung mga sumusunod.

They are creative

Ang mga successful traders ay creative at may sariling system sa trading na angkop sa kanilang personality, goals at risk tolerance. Hindi sila nangongopya ng ibang strategy, they create their own strategy.

They focus on their edge

Nakafocus lang sila kung saan sila magaling, kung saan yun expertise nila. Hindi sila papalit palit ng technique at style— kundi patuloy nilang iniimprove ang strength nila.

They learned lessons from others.

Lahat ng profitable traders natuto lang din naman sa ibang mga traders, na nauna sa kanila. Tulad ng mentoring one on one, pagbabasa ng libro, pag attend sa mga seminars at pag aaral ng mga ecourses.

Sa ngayon napakadami ng resources sa internet at napaka dali na lang matuto sa iba.

Ang kagandahan nito hindi na nila kailangan matutunan sa mahirap na paraan ang isang bagay, or maexperience muna. Kasi naexperienced na ito ng ibang traders, and they will surely not repeating the same mistakes from other traders.

They create good risk/reward ratios.

Magagaling sila sa risk management, tulad ng cutting losers short and letting winners run sa isang timeframe. Isa ito sa mga key para maging profitable traders hindi lang for short term, pati na rin long term.

They never quit learning and growing.

Ang mga successful traders ay patuloy na nag aaral continuously. They keep on learning new things pag dating sa trading. Alam nila na ang system na ginagamit nila ngayon ay pwedeng hindi na magwork sa future. Kaya patuloy silang nag babasa at nag reresearch as a life long learners.

Perseverance. 

In short, they never quit. Kaya 90% nang mga traders ay nagfafail kasi sumusuko sila agad, bago maging successful. Ang mga successful traders ilang beses man mag fail sa mga trade, hindi sila susuko agad. Pag aaralan nila ito at gagawa ng paraan na hindi na maulit ang mga failures nila.

They have a strong desire.

Sa tinging ko ito ang pinaka foundation nang lahat. Not only on trading, pati na rin sa ibang aspeto nang pamumuhay.

Sabi nga nila

“The starting point of all achievement is DESIRE. Keep this constantly in mind. Weak desires bring weak results, just as a small amount of fire makes a small amount of heat.”

5 thoughts on “7 Qualities of Successful Traders That Have in Common (Tagalog)”

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart