Search
Close this search box.

5 Different Stop-loss Strategies (Tagalog)

Stop loss altcoinpinoy

We all know the importance of risk management and stop-loss.

Pero bakit may mga trader na ayaw gumamit ng stop loss?

Because they are being stopped out.

Naranasan mo na ba mag trade and you put a stop loss sa ilalim ng entry point mo para lang ma stopped out before a rally begins?

So ang tendency hindi ka na gagamit ng stop loss, kasi ang iniisip mo kapag once na bumaba ang price makaka recover din naman ito, you just need to hold it a little longer.

Pero hindi sa lahat ng pag kakataon, if you are just trading for few years or so, maybe you’re lucky enough at hindi mo pa nararanasan ang mother of all loses—that will wipe out your entire account.

May mga traders na naexperienced na ito with a span of three months of their trading career.

The point here is being stopped out is part of the game.

And you have to choose the lesser evil. Being stopped out or being wiped out?

Kung ayaw mo ma stopped out, then don’t trade at all.

Karamihan nang mga traders ay nagiging unprofitable, dahil ang losses nila ay mas malaki kaysa winners. Because they don’t use a stop loss.

Ang stop loss mo ang magsisilbing palantandaan na mali ang iyong assumption,at ikaw ay nasa wrong side of the trade.

If you put a stop loss, it means you have an exit plan. Nakapag na hit ang stop-loss mo, you should get out of the trade.

So how can we use it?

May iba’t-ibang paraan kung paano tayo gumagamit ng stop loss—depende sa preference and personality ng trader.

Support and resistance stop

Ang isa sa pinaka popular kung saan nilalagay ang stop loss ng isang trader kung long position ay sa ilalim ng major support line at kung short position naman ay sa itaas ng major resistance line.

Dahil na rin sa paniniwala na once na ma break ang major support and resistance level, the trend of the market will change.

Kung pag mamasdan natin ang image sa itaas, ang stop loss ay naka pwesto sa ilalim ng major support. Ang entry point dito ay sakto lang kasi nag bounce ulit ang price action pag katapos nito ma hit ang support level—pahiwatig ng strength ng bull side.

Ang isa pang pwedeng entry point dito ay yung break out sa resistance level, na nagpapakita nang momentum uptrend.

Moving average stop

Magagamit din natin na exit point ang moving average. It is case to case basis depende sa time frame. Inilalagay ang stop loss sa ilalim ng moving average kapag long position, at sa itaas ng moving average kapag short position.

Ang example na image na nakikita natin sa itaas ay ginamitan ng 20 Exponential moving average sa daily chart ng XRP. Tama lang naman ang entry point, kasi nasa itaas na nang moving average ang price action, which is a bullish sign. Samahan mo pa ng tumataas na volume.
Ang stop loss ay naka position ng may distansya sa ilalim ng price action.

Time stop

This strategy is considered as a stop loss as well. Kasi iniiwasan natin ang mas malaking losses and damages sa ating account.

So paano ito ginagawa?

Kunyari you buy an asset for $100 at ang target profit mo ay $110 and you’re doing a swing trade, pero tatlong linggo na ang lumipas, nag lalaro pa rin ang price ng asset mo sa $100 to $101. Sa ganitong sitwasyon, you should exit the trade and look for other trade opportunities.
Depende sa time frame na target mo at trading strategies.

Volatility stop

Nangyayari ito kapag naging extremely volatile ang isang asset, at kapag ito ay nangyari, pwedeng ma stopped out ang position mo nang mas mabilis, before a rally begins.
Mas mataas kasi ang risk kapag highly volatile. Malalaman nyo naman kung highly volatile ang galaw ng asset sa tulong ng ATR (average true range) indicator.

Trailing stop

Hindi ito katulad ng stop loss. Sa stop loss you exit a trade to minimize losses. Sa trailing stop naman ito yung paraan kung paano ka mag eexit sa winning trade, habang ang trend ay pumapabor sayo, patuloy mong inaadjust ang stop position mo to maximize the profit.

Sabihin natin you enter a long position at ang trend ng market ay pataas ng pataas, imbes na mag exit ka dahil mayroon kang target profit. Hindi mo ito gagawin, kasi pakiramdam mo ay mas tataas pa ang price ng  asset at gusto mo ito mamaximize.

Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag gamit ng trailing stop. At kung sa kaling mag reversed man ang trend and go against you, you will still exit a trade with a profit.

Let’s take a look sa example image na ginawa ko sa itaas, I used a trailing stop indicator na naka set sa 21 period with 3 multiplier. Pwede nyong imodify yan, depende sa tingin nyo sa takbo ng market.

Kung mapapansin natin ang entry point na nilagay ko sa ilalim nito I put a stop loss, kasi this kind of price action could go downward or upward. Then it goes upward, tsaka ko inadjust ang stop loss pataas ng pataas habang and trend ng market ay tumataas. Sa madaling salita I just go with the trend.
Ang I got stopped out.

May mga advantage at disadvantage ang pag gamit ng trailing stop. I will not discuss it here. Mas mainam kung may separated article para sa trailing stop.

Ilan lamang yan sa mga stop loss strategies na magagamit natin sa trading.

Siguro may katanungan ka about stop loss na hindi na specify dito tulad ng kung gaano kalayo ang stop loss sa entry point mo?

Kung isa kang day trader at kapag sinabi ko sayo na  you can put a 10% stop loss below with your entry point.

Do you think this is appropriate?

Syempre hindi.

Nakadepende pa rin ito sa diskarte ng trader.

You should always have a strategy or system,  based on your personality.

Earn Free Bitcoin

Conclusion

Stop loss is one of the major part of risk management, be sure na alam mo ito gamitin properly. Every trader has a different way of using it. So hindi mo pwedeng gayahin na lang ang style ng iba, kasi nakita mo paano nila ito gamitin.You can use it as a guide, para magkaroon ka ng idea, at mailagay mo ito sa sariling trading strategy mo.

1 thought on “5 Different Stop-loss Strategies (Tagalog)”

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart