Sa isang trader at investor napaka importante para sa kanila na malaman ang kinatatayuan ng market.
Alam nila ang ibat ibang stages na pinagdadaanan ng market. At importante na malaman mo rin ito.
May iba’t ibang stages ang market cycle. At kung mapag aaralan mo nang mabuti, hindi ka na manghuhula kung kailan ka mag iinvest or papasok sa market. Ang knowledge mo sa market cycle ang tutulong sayong trading and investing sa cryptocurrency markets.
Bakit nangyayari ang cycle?
Ang cycle ay nangyayari sa lahat ng aspeto ng pamumuhay. Ito ay dumadating sa iba’t-ibang kaparaanan— minsan maikli katulad ng life cycle ng mga insekto or kung minsan naman ito ay umaabot ng milyong taon.
Hindi importante kung nasa anong market tayo, ang lahat ay dumadaan sa cyclical stages, bakit?
kasi meron silang one thing in common at ito yung tinatawag na human involvement.
Ang human emotions ang nagiging ugat ng systematic errors in human decision making ayon sa pag aaral ng behavioral economics ng tao. Ilan sa mga ito ang cognitive bias ( ito yung bandwagon effect, na nagtutulak sa isang tao na gawin or isipin ang isang bagay katulad ng iba) at emotional bias (
sa madaling salita over-optimism or over-pessimism).
Ito ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit karamihan sa mga investors at traders ay nag fafail na marecognize na ang market ay cyclical—or hindi lang talaga nila macontrol ang kanilang mga emosyon sa panahong kailangan nila itong gawin.
Hindi porke may nalalaman ka na sa market cycle, ay madali na lang timingan ang market. Kailangan mong ma evaluate nang maigi kung ano ang current cycle na kinatatayuan mo. At matutunan controlin ang iyong emosyon for maximum investment and trading returns.
The psychology of a market cycle
1. HOpe
Ito yung unang sign ng recovery ng market.
Unti unti mo makikitaan ng positive signals para sa panibagong bull run. Pero, ang karamihan sa mga investors ay maingat pa rin at hindi nag lalabas ng malaking pera.
2. Optimism
Ito naman ang pangalawang stage, at mapapansin mo na tumataas na yung price kasi may pumapasok nang bagong pera sa market. Nangyayari ito pag na sustained ang uptrend ng market sa maraming mga buwan.
Dito comportable na ang mga investors sa positive outlook ng market.
3. Belief
Bumalik na ang tiwala ng mga investors. Dito sa stage na ito makikita ang unang sign na nasa bull market na nga tayo.
4. Thrill
Dahil sa sobrang excitement ng mga tao at ang price ng market ay lalong tumataas, sila ay nag iinvest sa kahit anong project sa paniniwala na hindi sila magkakamali. Importante na imonitor mo din ang excitement level mo, sapagkat ito ang magiging hudyat na kailangan mo na umexit sa market.
5. Euphoria
Siguro naman natatandaan nyo ang nangyari noong late December 2017? Kung saan ang mainstream media ay walang humpay na nag lalabas ng mga article about bull market. At Nag lalabasan din ang mga bagong batang milyonaryo. Habang nangyayari ito, ang mga smart investor ay kumukuha na ng kanilang mga profit.
Kapansin pansin din sa stage na ito ang pagiging stagnant ng market—at ito ang unang magiging senyales na nagbabago na ang trend nang market.
Napaka risky ng stage na ito sapagkat ang mga tao ay nagiginng kampante.
Iniisip nila na short break lang ito at mag papatuloy pa rin ang bull-run. Kaya naman karamihan ng mga investor sa ganitong stage ay hindi handa sa nalalapit na market reversal.
Stage 7: Anxiety
Sa wakas, unti unti nang na rerealize ng mga tao na walang forever(sa bull market). Napapansin nila na bumababa ang value ng asset, pero karamihan iniisip pa rin na ito ay market correction lamang at baka mag patuloy pa rin ang bull market. Hahawakan lang nila ang kanilang mga holdings at maghihintay na tumaas ulit ang value.
Stage 8: Denial
Kaya naman ang value ng kanilang mga investments ay patuloy na bumababa. Pero matigas ang ulo ng mga investors at hindi nila ibebenta ang kanilang mga holdings, sa pag-aakala na ito ay isang malaking correction lang ng market.
Nagiging defensive sila at naniniwala na nag invest sila wisely.
Stage: 9 Panic
At patuloy parin ang pag decline ng market at ang realidad ng bear market ay nandito na.
Dito na natin makikita ang major sell-off. Kasi binabalot na nang takot ang mga investors, sinusubukan nilang isalba ang kanilang mga funds.
Stage 10: Depression
Nawalan na nang pag-asa ang mga tao dahil sa nararanasan ng market. Dahil ito ay nasa pinaka ibaba na ng cycle. Dito na rin mag sisimula ang stabilization and consolidation. Sa stage na ito hindi mo masasabi kung kailan makaka recover ulit ang market, because it takes a very long time.
Sa kabilang banda ang stage na ito ay buy signal para sa mga smart investors.
Conclusion
Itong sampung stages ng market cycle ay paulit-ulit lang. Pero hindi sa lahat ng market ay nafofollow ang pag kakasunod sunod na nakalagay sa chart or kung kelan ito mangyayari. Pero kahit ganon, makakapag-bigay ito sa atin ng idea about the psychology of market cycles. Maiintindihan din natin na ang market ay hindi mag papatuloy sa pag baba hangang umabot sa zero.